Chapter 5

1.3K 84 37
                                    

Chapter 5
    
      
     
      
    
      
Adi's POV
     
     
  
    

It's kuya Ali and Kuya Xander's birthday today. Ngayon narin ang araw na si Kuya Ali na ang mamumuno sa Empire. Yun ang napagdesisyunan nina Kuya Jax dahil wala na daw ibang pwedeng pumalit kay Kuya Magnus kundi si Kuya Ali lang, They have the same mindset, seryoso nga lang talaga si Kuya Magnus at si Kuya Ali naman ay maloko.

Pero dati yun, simula ng mawala si Kuya Magnus ay nag iba na si Kuya Ali, naging seryoso at sobrang strikto na niya. Hindi na siya madalas sumasama kina Kuya Xander sa weekend nightout nila.

"Bakit di ka pa nagbibihis?" Napalingon ako sa may pintuan na bahagyang nakabukas. Pumasok si kuya Jax kaya umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Mamayang 7 pa naman yung party" tinamad na sabi ko.

Naglakad siya palapit sakin at saka naupo sa gilid ng kama ko. Nakabihis na siya, at mukhang lahat sila ay ganun narin.

Bumuntong hininga si kuya Jax at tumigin sakin na para bang alam na alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin.

"Fine" aniya bago ako hinawakan sa itaas ng ulo ko. "But at exactly 5pm, dapat nasa empire ka na, okay?" Nakangitig dagdag pa niya at tumango naman ako.

"Ipapasundo nalang kita, wag ka ng magmaneho papunta don" sabi pa niya bago ginulo ang buhok ko at tumayo na.

"Si kuya naman oh. Namiss ko imaneho yung bigbike ko" nakangusong sabi ko kaya natatawang napailing nalang siya.

"Butasin ko muna gulong nun" nakangising sabi niya kaya napatayo agad ako.

"Kuya naman eh!"

"Ipapasundo kita. Magpahinga ka nalang muna jan, aalis na kami" natatawang aniya bago siya naglakad palabas ng kwarto ko.

Pabagsak na umupo ulit ako sa kama at tumunganga nalang sa kawalan.

Ayokong sumama muna sa kanila ngayon, dahil mga Stockholders ng empire ang kasama nilang maglunch, at sigurado akong masasama sa usapan nila si Kuya Magnus, na ayokong marinig.

Taon na yung lumipas, pero sariwang sariwa parin yung sugat na iniwan ng trahedyang nangyari.

I miss my Kuya, I miss lester, and I miss Zach. I fucking miss them!

Hindi ko namalayan na nagkusa na namang tumulo ang luha ko. Inis na pinahid ko to gamit ang kamay ko at saka ako humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako dahil sa katok sa pintuan ko kasabay ng pagtawag sa pangalan ko.

"Adi! Adrianne!" Inis na bumangon ako at kinurap kurap ang mata ko. Sa boses palang alam ko na kung sino yun.

"Kanina pa tumatawag yung mga kuya mo, Adi! Tulog ka pa ba?" Sigaw niya pa mula sa labas.

"Gising na" tamad na sigaw ko bago ako tumingin sa orasan na dahilan ng pagkabalikwas ko ng tayo.

4pm na! Alas singko ang sabi ni kuya Jax.

"Hihintayin ka pa ba namin o mauuna na kami?" Sigaw ulit niya.

"Mauna na kayo ni Stacey, may sundo naman ako eh" sagot ko bago ako pumasok ng banyo para maligo.

Napasobra ata ang tulog ko, nakakainis. Lagot ako nito pag late ako. Aiiissh!

Nagmadali na akong naligo at sinuot ang damit na nakahanda na. Gold black ang theme ng party, at kulay gold na pencil cut dress ang susuotin ko. Nakalugay lang ang hanggang balikat na buhok ko, at naglagay lang ako ng kaunting lipstick bago ako lumabas ng kwarto.

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now