Chapter 2

1.8K 75 14
                                    

Chapter 2
    
   
   
    
    
   
  
Adi's POV
  
 
  
 
"D-Dj" bigkas ko sa pangalan niya habang nakatitig sa mukha niya. Matagal ko ng hindi nakita ang mukha niya, pero alam na alam ko parin lahat ng detalye, kaya hindi ako pwedeng magkamali, siya si Dj.

Kumunot naman ang noo niya na pinagmasdan ako "Sorry, Miss. Mukhang nagkakamali ka yata" aniya.

"N-no, you're Dj. H-hindi mo ba ako nakikilala?" Hindi ko alam kung matutuwa pa ako o iiyak o ano, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko na makita siya ulit.

"Sorry, I'm Simoun, at hindi ko kilala ang taong sinasabi mo. Excuse me" aniya at saka ako nilampasan. Hahabulin ko pa sana siya pero may kinakausap na siyang babae ngayon at magkahawak kamay pa.

Nanatiling na sakanila ang tingin ko hanggang sa makalayo na silang dalawa. Alam kong siya si Dj, ang mukha niya, ang boses niya at ang tindig niya, Siyang siya. Pero pa'no? Hindi ba patay na siya?

"Adrianne?" Boses ni Kuya Kurt ang nagpabalik sa'kin sa wisyo.

"Ano pang ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinihintay, is there any problem?" Nag aalalang tanong niya.

Umiling ako bago nag-umpisang maglakad muli. "Wala Kuya" sagot ko lang para hindi na siya magtanong pa.

Natapos kaming kumain pero kahit ni isa ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi nina kuya, maging ang pagkain ko ay hindi ko na namalayan. Lutang ang isip ko hanggang sa makauwi kami, at pakiramdam ko ay nahahalata iyon ni Kuya Kurt.

Umakyat agad ako sa kwarto pagkarating namin, kinuha ko ang laptop ko at saka ako umupo sa kama ko.

Pero ilang minuto na akong nasa search bar ay hindi ko parin alam ang gagawin. Pa'no ko siya mahahanap kung pangalan lang niya ang alam ko? Maraming Simoun sa mundo, at nakakatamad isa-isahin ang nga yun.

Pabagsaka akong humiga sa kama ko at saka nagpagulong gulong.

"Think straight Adrianne! Think straight!"

Pero wala paring pumapasok na ideya sa utak ko hanggang sa nakatulog nalang ako.

Nagising lang ako dahil sa katok mula sa pinto. Sinabihan ako ni Ate Janna na Dinner na daw kaya bumangon na ako at pumunta sa banyo saglit bago bumama.
   
     
"You seem occupied, Adrianne? Is there anything bothering you?" Tanong ni Kuya Jax habang kumakain kami. Kanina pa kasi ako tahimik at maging ang kumain ay sobrang bagal ko.

Nag-angat ako ng tingin kina Kuya na nasa'kin na pala ang mga tingin.

"Is it possible for a dead person to comeback alive?" Wala sa sariling tanong ko. Hindi kasi tinatantanan ng pag-iisip, kung si Dj nga ba yun o kamukha niya lang talaga.

"Iiihhh!!! Adi, wag kang manakot!" Anang Kuya Peter na nakangiwing nakatingin sa'kin.

"Tch! I'm just asking" inirapan ko siya at binalik kay kuya Jax ang tingin ko.

"Why are you asking that suddenly?" Takang tanong ni Kuya Jax

"Multo yan Adi!" Sabat ulit ni Kuya Peter.

Binalingan ko siya ng masamang tingin dahil kanina pa talaga siya sabat ng sabat. "May multo bang nagpupunta ng Mall?" Iritang sabi ko.

"Sinong nakita mo don?" Si Kuya Kurt na kanina pa talaga ako inoobserbahan.

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now