Chapter 15

844 53 54
                                    

Chapter 15

   
     
Adi

Tama ba ang pagkakarinig ko? Red demons? Pero bakit sila nandito? Are they after us? Or after those Scarlet Lions too?

Sinenyasan ako ni kuya na huwag mag-ingay at umaktong normal lang, kahit siya itong naka-sunglasses kahit nasa loob naman kami.

Hindi ko alam kung saan nakatingin si Kuya dahil na rin sa suot niyang salamin.

"They won't recognize you because of your hair. Go, order something so they won't suspect us" bulong ni kuya kaya tumayo na agad ako para gawin ang utos niya.

Naglakad na ako papuntang counter, at may nakasalubong pa akong iilan sa mga red demons. At tama nga si Kuya, di nila ako nakilala, mga tanga talaga.

Luminya na ako para umorder, at habang nasa linya ay sinulyapan ko si Kuya Ryan sa pwesto niya. Pero wala na siya roon. Aalis pa sana ako sa linya pero ako na pala ang oorder kaya umorder nalang muna ako. Matapos kong sabihin ang mga order ko ay sinabi kong babalikan ko nalang para kunin dahil kailangan ko munang mag-cr.

Nagmadali akong pumunta sa pwesto namin kanina pero di ko na makita si Kuya Ryan, maging sa paligid ay wala siya. Kinakabahan na ako at baka inabangan nun sa labas yung mga myembro ng red demons, utak bugbugan din yung Kuya ko na yun eh.

Nagalakad na ako palabas para hanapin sana siya ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nawala ang kaba ko ng makita ang pangalan ni kuya Ryan na siyang tumatawag.

"Come to the security's office now" aniya at pinatay agad ang tawag. Di man lang ako pinagsalita! Hays, Montreal nga naman, may pagkabastos kausap sa telepono tch!

Nagtanong ako sa staff kung saan ang opisina ng mga security at sinamahan naman niya ako papunta ron.

Tahimik akong pumasok kaya hindi ata ako napansin ni Kuya. Tutok na tutok siya sa mga monitor kung saan panay replay yung isang security. Naglakad na ako palapit sa kanila at tumingin tingin nalang din sa mga monitors, baka nga makita dito yung may ari ng laptop.

"The video was corrupted, that person really knows how to play" ani kuya Ryan ng di man lang ako binabalingan ng tingin.

Nasa monitor lang din ang tingin ko ng may mapansin akong pamilyar na tao.

"Sir, pwede pakiulit ng video" tumango naman agad yung security at ni-replay ang video.

"Is that Ivan?" Turo ko sa taong pumasok mula sa pinto at luminga linga na parang may hinahanap. Nakailang check din siya sa cellphone niya bago naglakad tungo sa pwesto kung saan namin nakita yung laptop tapos corrupted na yung sumunod.

"Jacinto?" Nilingon ako ni kuya at tumango naman ako bilang sagot.

"But why is he here?"

"But why?"

Sabay naming tanong kaya takang nilingon kami nung security na nakaupo.

Tinanguan ako ni Kuya, senyales na kailangan na naming umalis. Nagpasalamat at nagpaalam na rin siya sa mga security bago kami lumabas.

"Uwi na tayo" ani kuya bago nilagay sa ulo ko ang coat niya "Papalakas na ang ulan, kailangan na natin magmadali" hinawakan na niya ang kamay ko at nagmadaling naglakad pero huminto ako kaya takang nilingon niya ako.

"Yung order ko" pigil ko at napapikit nalang siya bago naglakad papuntang counter at kinuha ang order ko na kanina pa ata naghihintay.

"Ikaw talagang bata ka" napapailing na aniya habang naglalakad palapit dala-dala ang mga paperbags. Ngumiti ako ng pagkalawak lawak at saka kumapit sa braso niya para sabay na kaming maglakad palabas.

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now