Dalawa

161 5 0
                                    

Dalawa

It was a peaceful Sunday morning. Why? Dahil isang linggo nang nandidito ang señorito at hindi ko pa siya nakikita. Mabuti nalang at di naman nag-c-cross ang landas naming dalawa. Di ko nakalimutan ang mga sinabi niya doon sa party.

Naglilinis ako dito sa hagdan, alas singko pa naman ng umaga kaya di pa gising ang senyora. Pagkatapos Kung maglinis dito ay tutulungan ko si Angie doon sa garden. Kawawa eh, siya lang mag-isa.

Napatingin ako sa taas ko nang may marinig akong yabag. At sa kamalas-malasan ko pa ay ang señorito pa. Tahimik akong nagmomop habang naglalakad siya.

Mukang magjo-jogging. Nakablack sleeveless kasi at jersey shorts. Naka rubber shoes pa. Nang nasa tapat ko na siya, nagulat nalang ako nang tapakan niya ang mop kaya di ito makagalaw.

"Señorito, ang mop po, tinatapakan niyo," tawag ko rito pero di narinig dahil nakaearphone pala.

Sino naman pong tangang titigil sa gitna nang hagdanan na alam niya namang may naglilinis. Isa lang sagot niyan.

"Señorito," tawag ko,nanatili parin itong nakatigil habang nag-s-scroll sa cellphone niya.

Pero di parin ito nakikinig. Agad kong kinuha ang earphone niya kaya napatingin ito sakin. Masama ang tinging ibinigay niya sakin. I equalled him with a glare too. Nakakunot itong nakatingin sakin.

"What?" angil nito.

Ngumite agad ako at itinuro ang mop na tinapakan niya. Pero imbes na umalis nito ay mas lalo pa itong tinapak-tapakan na parang may makukuha siyang yaman pag natapakan niya ito. Kaya mas lalong nadumihan.

Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya. What the hell? Pero tinaasan lang ako ng kilay ng bruho. Pagkatapos ay maglakad ito paalis na parang walang nangyari.

"What the hell," I scoffed.

Nagpatuloy nalang ako sa paglinis nang hagdanan at baka maabutan pa ako ng Senyora at mapagalitan ako. I'm afraid of her hawk like eyes. Na parang nakikita ang buong pagkatao mo pag tinitingnan ka niya.

Napatigil ako sa paghakbang ng makita ko ang picture ng senyorito. Nakagreen siya na may white cap. May dala siyang bat. So he's a baseball player. At kahit malayo ang Manila dito sa isla ay kilala ko parin ang paaralan niya.

La Salle, one of the most prestigious university of the Philippines, from the color of his shirt and the logo of an archer, I figured it out. He looks so serious on the picture. He bended his knees a little while holding the bat. It looks like he's aiming the camera asi if that their's a ball flying near to it.

Napailing nalang ako at saka maglakad pababa. From the glass windows, nakita ko si Angie na nagdidilig nang halaman. Agad kong inilagay sa storage room ang mop at pinuntahan si Angie sa garden.

"Oh? Naparito ka?" bungad nito sakin. Ngumite lang ako sa kanya at tinulungan siyang magdilig ng halaman.

"Gwapo si señorito? Diba?" I scoffed when I heard the word señorito. Nanlalaking matang napatingin naman si Angie sakin.

"Nagkakilalala na kayo?" she exclaimed. I rolled my eyes para ipakita kung ano ang unang impression ko sa pagkikita namin.

"He's a big jerk," I hissed. Tumawa naman ito ng malakas.

"Ganoon nga ang sabi-sabi. But girls like us prefer badboys. Diba?"

"Ahuh? Not like me. Hindi ako nandito para maglandi. I'm here to work, to save money for my future. Nandito ako para magkapera at matupad ang pangarap kong pag-aaral. My motto is 'Ipon muna bago landi.' "

Lost In The Waves (Isla De Amore Series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ