Tatlo

135 5 0
                                    

Tatlo

Napatigil ako sa pagdilig nang halaman nang makita ang seryosong mukha nang señorito. Ano na naman kaya ang problema nito?

I just ignored him and back to my work. Nasa kusina kasi si Angie, inuutusan ni Nay' Loling. Kaya ako muna ang nagdidilig ng halaman.

"Stop your work at go to the poolside,"  utos nito sabay alis.

Agad ko namang inilapag ang hose at sinundan siya. Dahil baka pag nagtagal ako ay babalik na naman iyon dito at pag-t-tripan ako.

I didn't know what happened, but when he drag in his room the other day at nagsasabi ng kung ano-ano ay bigla nalang nagbago. Kung dati ay madalang niya lang akong pagtripan, ngayon araw-araw na.

"Anong pong gagawin ko?" bungad ko sa kanya.

Nakahiga siya ngayon sa isang sun lounger. Feel na feel ang araw. Sana nga't masunog na siya.

"Kaya mo bang inumin lahat iyan? Ipapainom ko sa'yo," pabalang na sagot nito.

"Ikaw ang mauna, substitute lang ako pag namatay ka na," bulong ko, na sana di nalang ako bumulong dahil narinig na niya.

"Why are you talking at me like that. I can fire you. You're just a mere housemaid, so act like one," natakot ako sa seryosong niyang boses kaya tumahimik nalang ako.

"Clean that pool, were having a pool party later." Then he walked away.

Napahinga naman ako ng maluwag at nagsimula nang maglinis. Ang yabang niya, porket mayaman sila ay wala na sikang karapatang alipustahin yong mga mahihirap. Pareho lang tayong mamamatay, kaya wag silang mag-aasume na exempted sila.

People and their narrow-minded nature. Tsk. They just only think of their self. Kung ano ang makakasaya sa kanila, yong ang pipiliin nila.

Di ko namalayan na tapos na pala akong maglinis. Papasok na sana ako sa kusina nang nagkatagpo ang landas namin ng bruho.

"Clean my room now."

Kahit naiirita ay sumunod narin ako sa kanya at baka ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nakarating kami agad sa harap ng kwarto niya. Agad siyang pumasok kaya sumunod na rin ako.

I roamed my eyes at his room. Wala namang madumi dito. Baka ano na naman ang pumasok sa kokote nito at dinala ako dito.

"Clean the floor, using that rug."

He pointed at the rug. Pwede namang gamitin ang mop bakit kailangan pang basahan ang gamitin? Papahirapan na naman ako siguro nito.

Di nalang ako umimik at kinuha nalang ang basahan at simulang basain sa tubig. Nakita kong nakatingin lang siya sakin habang nakayuko ako at linilinisan ang sahig niya. I feel awkward at my position. Lalo na kung intense makatitig sa akin si señorito.

He keeps staring at me then look away pag nahuli. Paulit-ulit din ang pag-igting ng panga at magkasalubong ang kilay. Anong problema niya? Parang may kaaway kung makaigting ng panga.

Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis. Dinig na dinig ko ang paulit-ulit niyang buntong-hininga. May sakit ba siya? Bakit namumula yong mukha niya?

"Anong problema mo?" I asked at him but he glared at me.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko," he snapped at me then walk away. Gulo!

Umirap nalang ako at bumalik na ulit sa paglilinis. Kapagkuwan ay narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang señorito na may dalang tubig. So that's his problem? Inuhaw lang siya? Ako pa ang napagbintangan? Pathetic.

Malapit na akong matapos kaya lang ay di ko malinisan ang ilalim ng mesa kaya mas lalo pa akong yumuko. Dinig na dinig ko ang bigat na hininga ng señorito at ang pagtikhim nito. I don't understand him.

Lost In The Waves (Isla De Amore Series 1)Where stories live. Discover now