Sampo

98 4 0
                                    

Sampo

Mga ilang buwan na rin ang nakalipas nang umalis ang señorito at bumalik sa Maynila. Naging tahimik na rin any mansyon at di rin masyadong naglalagi ang senyor at senyora sa mansyon dahil sa negosyo nila. Kahit na hindi sila ang personal na nag-aasikaso sa planta nila ay maayos pa rin naman ito.

Nakaupo ako dito ngayon sa gazebo at nakatanaw sa dagat. Gusto ko sanang bumaba doon pero wala akong kasama. Aaminin ko namiss ko ang presensya ng señorito. Pero kung di ko iyon ginawa ay baka ang trabaho ko naman ang mawala. Kailangan ko ang trabahong ito para makapag-aral. Sa susunod na pasukan na sana ako papasok. Kailangan kong mag-ipon nang pera dahil baka lilipat kami ni papa sa Maynila para makapag-aral ako.

Napahinga ako nang malalim. Kaarawan ko ngayon ngunit parang wala lang. Legal na ako ngayong araw pero parang may hollow na lumulukob sa tiyan ko ngayon. Uuwi ako sa amin ngayon hapon dahil gusto ni papa na may konting selebrasyon lang. Konti lang naman, wala naman akong masyadong kaibigan. Si Angie at Jude lang naman ang itinuring kong kaibigan.

Speaking of, nakita ko nang paparating si Angie na nakasimangot sa akin. Takang napatingin kaagad ako sa kanya. Anong problema nito?

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Nandito lang pala sa secret place nila." Kung kanina ay nakasimangot ito, ngayon ay nakangiti na ito nang pang-aasar.

"Secret place? Ano ba iyang sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Umiling lang ito at humagikhik.

"Wala." Natatawang sabi pa nito at umupo pa sa tabi ko. Tahimik lang ako habang nakatingin sa dagat. Dinig ko ang buntong-hininga ni Angie sa gilid ko.

"Hinihintay mo siya?" napatingin ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. Hinihintay? Umiling kaagad ako sa kanya.

"Hinihintay? Bakit ko naman siya hihintayin?" I blurted out. Narinig kong humalakhak si Angie. Anong problema nito?

"Oo ngano? Bakit mo naman hihintayin si Santa Claus? Di ka naman bata diba?" gulat akong napatingin kay Angie nang sabihin niya iyon. Tumingin ito sa akin na para bang nagtataka sa ekspresyon ko.

"S-santa Clause?" I asked her. Ngumite naman ito nang nakakasar at tinaasan ako nang kilay.

"O bakit? Pasko naman ngayon ah? Don't tell me hindi siya ang hinihintay mo?" Ngumise pa ito sa akin.

Yes, I forgot. It's December 24th, my birthday. The saddest and happiest day in my father's life. Happiest because I'm born and saddest because the love of her life died.

"Sino ba kasi ang tinutukoy mong hinahanap mo? Akala ko si Santa Claus. May iba pa ba?" nainintrigang tanong nito sa akin. I glared at her. She only smiled at give me a peace sign. I shook my head. Ano ba itong iniisip ko? I'm not waiting for him, and why would I?

"Don't worry, mahal ka non," Angie blurted. I glanced at her, confused. She smiled genuinely at me different form her mocking smile a while a go.

"Huh?"

"Mahal ka nong hinihintay mo," she said.

"Hinihintay?" I asked. She nodded and look at me. Back with her mocking smile again.

"Si Santa Claus. Mahal ka non," umirap kaagad ako. Seriously, what with Santa Claus at kanina pa siya binabanggit ni Angie. I know it's for kids but am I look like a kid to her. Hello? I'm just turning 18 today. I'm a legal now.

"Bakit ka ba Santa Claus ka nang Santa Claus? Bata ka ba Angie?" di mapigilang tanong ko sa kanya. Nag-ngising aso ito sa akin.

"Hindi pa pwedeng gusto ko lang si Santa Claus? Atsaka, alam kung Mahal ka ni Santa Claus, kahit di mo pa man hinihiling ang ibinigay na niya. Maswerte ka nga eh. Di mo na kailangan mag-effort pero ako? Sus, " pagmamaktol pa nito. Sabay tayo at higit sa akin. Oookay?

Lost In The Waves (Isla De Amore Series 1)Where stories live. Discover now