Labing- Anim

93 4 0
                                    

Labing- Anim

Napabuga ako nang hininga nang makalabas ako sa kwarto ng señorito. Tapos na ako sa paglilinis ngunit ay tulog na tulog pa rin ito. Mukang puyat na puyat talaga ito sa mga pinaggagawa nila ni Ms. Thea kagabi.

Speaking of the devil, bakit kaya nandon siya sa kwarto ng señorito. Yes, I get it na engaged na sila pero dapat ba talagang iisa sila ng kwarto. Di ba pwedeng pagkasal na sila? My heart sinks at that thought.

Tahimik akong naglalakad pababa ng hagdan. Nasa garden na naman siguro ngayon si Angie. Dali-dali akong pumihit papunta doon. At tama nga ako, nandon siya at nagdidilig.

"Tapos ka na sa paglilinis?" Tanong nito agad ng makita ako. Tumango lang ako sa kanya sabay upo doon sa harap niya.

"Kamusta na kaya si papa? Kailan ang day off natin Angie nang mabisita ko siya?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"Magpaalam ka kay señorito. Baka payagan ka n'on." Agad kong binigyan ng matalim na tingin si Angie nang sabihin niya iyon. Ano bang nasa isip ng babaeng ito? Pero imbes na matakot ay tumawa lang ang bruha. Baliw talaga. Napasimangot nalang ako sa kanya.

Napalingon kaming dalawa ng may marinig kaming footsteps. Paglingon naman ay ang nakabusangot na mukha ni Sandy ang nakita namin. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng ito?

"Gusto daw na makipag-usap ni Ms. Thea sa'yo, Tasha." Nakakunot-noo nitong sabi. Pati ako ay napakunot din ang noo sa sinabi nito. Bakit naman ako gustong kausapin ni Ms. Thea?

"Bakit daw?" Di napigilan tanong ko. Agad namang umirap si Sandy.

"Aba'y di ko alam. Ako ba si Ms. Thea? Nasa dalampasigan daw siya." Nakairap paring sabi nito. Agad kong nilingon si Angie at tama nga ako, matalim itong nakatingin kay Sandy na any moment ay sasabunutan na ito.

"Ayusin mo nga ang pagsagot mo Sandy." Parang kinakalma ni Angie ang sarili niya. Sino ba naman ang hindi mahi-high blood sa sagot ng babaeng ito.

"Baka pagbabawalan ka sa paglalandi mo sa señorito. Hmp!" Sabi nito at agad na umalis.

"Aba't-" agad kong pinigilan si Angie dahil  susugurin niya na naman Sandy.

"Sige pupuntahan ko muna si Ms. Thea baka importante ang sasabihin." Paalam ko kay Angie. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Mag-ingat ka." Sa di malamang kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Tumango ako at agad siyang yinakap.

"Alis na ako." Sabi ko at agad na umalis. Agad napako ang tingin ko sa bracelet na suot ko. Suot-suot ko parin ito hanggang ngayon. Remembrance lang kay señorito kung sakaling aalis na ako dito.

Madali lang akong nakarating sa dalampasigan dahil saulo ko na naman ang daan. Agad kong nakita si Ms. Thea na nakatalikod sa akin. May isang maliit na yate na nakalutang sa dagat. Siguro naramdaman ni Ms. Thea na nandito na ako, lumingon siya sa akin at matamis na ngumite.

"Buti naman dumating ka. Akala ko ay hindi ka pupunta." Nakangiting sabi pa rin nito. Tumango lang ako sa kanya.

"Ano po bang kailangan niyo?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Ipasyal mo ako. Taga dito ka diba? Ipasyal mo ako sa dagat." Nakangiting sabi nito. Ano daw? May namamasyal ba sa dagat?

"Di po ako marunong magdala ng yate."

"Don't worry, marunong ako. At saka di naman masyadong malayo. Gusto ko lang makita ang dagat."

Tumango kaagad ako sa sinabi Niya kahit na nag-aalangan. Nakita ko ang pagngiti nito. Agad akong sumakay sa yate. Pinaandar naman ito agad ni Ms. Thea. Nakatingin lang ako sa dagat habang busy siya sa pagmamane-obra nang yate.

Lost In The Waves (Isla De Amore Series 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin