Tatlompu't apat

89 5 0
                                    

Tatlompu't apat

Me:
I'm sorry for my behavior kanina Tito.

Agad akong humiga sa kama pagkasend ko sa message na iyon. Diretso kasi ako uwi nong lumabas ako sa office. Buti nalang at di ako naabutan ni Giu kanina. Napabuntong-hininga ako at napatitig sa kesame. Ganoon ba talaga kamahal ni Thea si Giu at nagawa niya ang mga bagay na iyon para sa kanya. Or it's just destiny's way of saying na hindi talaga kami para sa isa't-isa. Na hindi kami pwedeng magkalapit dahil gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana na paglayuin kami.

I stared at the bracelet he gave me. Kada galaw ko ay umiingay ang mga along nakapalibot dito. Akmang tatanggalin ko sana ito nang nagbeeped ang cellphone ko. It was a dm from my IG.

anggelissa_y: tasha, may sasabihin ako

Ano na naman kaya ang problema ng lokaret na ito? Bakit sa IG pa siya magd-dm. Pwede namang itext or itawag niya ito.

tasha_p: ano?

angelissa_y: wag kang mabibigla huh?

Napakunot-noo naman ako reply nito. Huh? Anong problema nang babaeng ito?

tasha_p: ano nga?

angelissa_y: ikakasal na ako!!!!!!! As in!!!!!! Nagpropose si Jude!!!!! As in lumuhod siya sa harap ko!!!!!! At tinanong niya ako kung pwede pwede ba daw akng magng asawa!!!!!!! Kaloka!!!!!!

Hindi niya naman naoverused ang exclamation point right? At nagpropose na si Jude sa kanya. Nice.

tasha_p: talaga? Congrats Angie. At saka kailangan pa ba talaga na maraming exclamation point?

angelissa_y: oo para damang-dama mo ang emosyon ko dito hahaha

Napailing nalang ako sa reply nito.

tasha_p: I'm so happy for you Angie. Finally a complete family.

Nakangiti ako habang tinatype iyon. I'm so happy for her. Sa wakas, natauhan rin si Jude. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa eh. Hindi ko na nasundan ang iba pang chat ni Angie dahil bigla nalang akong nakatulog.

[Yes, she admitted it darling. She admitted that she bribe Engr. Marco to change to materials. Pero wala naman daw sa plano nila na mandamay ng mga inosente and the court says that she's given a chance to be treated. In fact, she's currently boarding her flight to Los Angeles para doon magpagaling. And once she's treated, she will face the consequences of what she did.] Iyan ang bumungad na balita sa akin pagkagising ko. Tito Ricks called me and give an update regarding in Thea's case.

Nagsalita na raw si Thea at inamin nito ang mga kasalanan. But the court says that she must get treated before facing her consequence. Matagal ko nang napapansin na parang may problema sa Thea. And then, it's true. She has mental health problems. Dahil bata pa lang daw ito ay nakidnap na at naabuso. That's why she's acting like that. She's very aggressive and obsess. Her family knows about her situation pero pinili nilang ipagsawalang bahala ito. Kahihiyan daw sa pamilya nila na may anak silang may sakit sa utak.

Nakaramdam ako nang galit sa pamilya ni Thea. Sila pa ang unang tumalikod imbes na sila ang unang umagapay kay Thea. Mas pinili nila ang pagsalba sa kahihiyan kesa tulungan nila ang anak nila. They only care for the family's name. Having an mental health problems is a battle. Dapat may mga kaagapay ka sa pagtalo ng labang ito. They shouldn't feel alone. They shouldn't feel worthless.

Ngayon nasagot na ang mga tanong kung bakit ganoon ang mga kilos ni Thea. Plastic ako kong tawagin kung di ako nainis sa mga pinaggagawa niya. Kung di ako nagalit sa mga nagawa niya sa akin. I know I shouldn't judge her but I didn't what she's been through.

Lost In The Waves (Isla De Amore Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang