02

50 6 30
                                    

"Ah.. Ang sakit ng ulo ko!" sabi ko habang nakapikit pa rin.



Pagkadilat ko ay inalala ko muna yung nangyari kagabi. At kung paano ako nakauwi sa condo ko at... bakit may jacket na nakatalukbong sa 'kin na hindi ko pag mamay- ari?!



"Oh my god" Napatakip ako sa bibig ko nang Maalala kung kanino yung jacket na nakatalukbong sa 'kin ngayon.



Nagulat ako nang makarinig ako ng notification galing sa phone ko.



Aljeze.fuentes followed you on Instagram.

Eze Fuentes sent you a friend request.


Pinindot ko ang profile niya sa Instagram. Mabuti na lang at hindi naka private.


Aljeze.fuentes

21- posts      4,611- followers     129- following


Ang daming followers, Sana All! Nang tignan ko yung mga nag follow sa kanya ay puro babae yung nakita ko.  At galing pa sa iba't ibang school. May nakita din akong follower niya na kakilala ko. At mga post naman niya ay siya, mga kaibigan niya, building ng med at main building ng UST.


Nanlaki ang mata ko ng biglang may mag pop up na message niya.



Aljeze.fuentes: Hey, are you okay?


chi_m: yeah. thank you pala sa jacket, ibabalik ko rin sayo.


Aljeze.fuentes: No need.


chi_m: Hindi na. nakakahiya. Kailan ka free? So I can return your jacket.


Aljeze.fuentes: Mamaya, I guess? Hbu? Aren't you busy? 'di ba may plates ka pa na gagawin?


chi_m: It's fine. Mamaya, 3 PM sa dapitan na lang.


Aljeze.uentes: Okay :)


Seen.


Since mamaya pa naman 'yon dahil 10 AM pa lang ay nag almusal muna ako pagkatapos ay nag linis ng condo at nilagay na sa washing machine yung jacket niya. Though, hindi naman mabaho, 'yun pa rin yung amoy pero nakakahiya naman na hindi ko labhan kase ginamit ko pa rin.



Pagkatapos ko maglinis ay nagsimula na akong mag drawing ng uulitin ko na plates. Madali lang naman siya idrawing kaya hindi ako masyadong nahirapan.



Natapos ako sa pag d-drawing ng 1:35 pm kaya niligpit ko na agad yung mga kalat sa living room at tinabi na yung ibang materials para makaligo na. Muntik ko pang makalimutan na may alis ako kaya dali dali ako naligo. Kulay na lang naman ang kulang ay matatapos na kaya mamaya ko na lang 'yon gagawin pagka uwi ko.

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now