06

37 4 5
                                    

"Winner ka talaga, girl!" Niyuyugyog ako nila Wryssie dahil nakita raw nila yung comment ni Eze. Mas kinikilig pa sila sa 'kin!



Nagkita-kita kasi kami after class dahil pupunta raw kami sa mall para bumili ng gift para kay Jandrix, eh 3 weeks pa naman bago yung birthday!



"Teka nga, bakit parang excited ka bumili ng regalo eh matagal pa naman yung birthday ni Jandrix, ah?!" Reklamo ko kay Ashley dahil siya pa ang nangunguna at naghihila sa 'min papasok ng Mall!



"Hmmm.. wala lang! Ewan, basta nae-excite ako!" Sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko.



"Huh? Bakit naman? Tsaka saan ba gaganapin yung birthday niya?" Tanong ko dahil hindi ko naman natanong kay Jandrix nung nakita ko siya sa mall.



"Sa club lang daw sabi niya, eh.. Ayaw niya daw ng Maengrandeng party, Basta mga friends lang daw niya tsaka SPECIAL SOMEONE, ayos na" Sabi niya at diniin pa  yung word na 'SPECIAL SOMEONE'.



"Ikaw ba yung special someone na 'yon?" Tanong ni Aiella



"I don't know.." Sabi niya at sumimangot



Natawa lang ako sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Sa totoo lang, sa tingin ko rin ay gusto siya ni Jandrix. Hindi ako sure pero feeling ko lang.



"Ano ba yung napapansin mo na gusto niya?" Tanong ko kay Ashley dahil wala akong maisip na regalo para sa crush niya.



"Kahit ano naman yata naaappreciate niya pa rin" Sagot niya.



"Okay, Ikaw na lang ireregalo ko" Sagot ko kaya gulat siyang napatingin sa 'kin saka ako binatukan kaya nagtawanan kaming dalawa.



"Gaga ka!" Sabi niya habang tumatawa kami pareho



"Masakit 'yon, ah!" Reklamo ko habang nakahawak sa ulo ko. 



Bandang huli, bumili na lang ako ng Pair of Shoes at isang polo dahil wala na rin akong maisip kundi 'yon lang. Pansin ko rin kase na mahilig siya sa polo at ang lakas ng dating niya tignan pag naka polo siya.



Pinalagay ko na lang 'yon sa iisang paper bag na medyo Malaki at umuwi na rin kami. Nag story din ako ng picture naming lima dahil nag picture-picture pa kami sa loob ng Forever 21 store kaya medyo natagalan din kami.



As day passed by, Ang ginagawa ko lang ay mag-aral at umuwi agad pagkatapos ng klase hanggang sa dumating ang Friday. Excited pa akong lumabas ng classroom dahil di-diretso ako sa bahay para sunduin si Nathalie.

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now