12

37 2 14
                                    

"Sure ba kayo? Sasakay kayo dito?!" Tanong ni Ashley sa 'min ni Wryssie.




Tumango na lang ako at hindi na nagsalita dahil natatakot ako. Baka mamaya patay na ako pagkatapos ko sumakay dito, ah. Charot.




Naramdaman ko na pinipisil ni Eze yung kamay ko kaya napatingin ako doon bago ako napatingin sa kanya. When I looked at him, Ngumiti siya sa 'kin. Hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil kinakabahan ako at malapit na kaming sumakay. 





Anchors away ang una naming sasakyan. Jusko! Gusto kong umiyak. Habang pinapanood ko ang mga nakasakay doon, parang gusto ko na lang tumakbo paalis at iwanan silang lahat dito.






"Ready?" Eze asked me. Tumango ako at naglakad na kami papasok.






"Go Mae! Go Wryssie!" Sigaw nila Aiella.






"Pakyu!" Sigaw ko sa kanila kaya nagtawanan sila.






Magkatabi kami nila nila Eze, Wryssie, Harrison at Alex. Sumakay din si Harrison para samahan si Wryssie kaya kilig na kilig ang gaga kanina. Pero ngayon, nangangatog na rin siya sa takot. 






Nang maramdaman kong nagsisimula na itong umandar, Napapikit ako sa kaba.


 



"Here, hold my hand" Napadilat lang ako nang alukin ni Eze na hawakan ko ang kamay niya kaya yun ang ginawa ko.






"Putangina! Ayoko na! Ibaba niyo 'ko rito!" Sigaw ni Wryssie dahil lalong lumalakas yung pag swing.






Nang pababa na ito, Para akong nakikiliti kaya bigla akong natawa. Tinignan ako ni Eze habang nakangiti. Grabe! Halos wala siyang katakot-takot sa mga ganitong rides! 






Tawa lang ako nang tawa sa tuwing pababa kami dahil nakikiliti talaga ako. Ganon din si Wryssie pero nakapikit siya dahil nalulula pa rin siya. Nagtatago pa siya sa leeg ni Harrison pag pababa kami. 






"Aaaaaaaaa!" Sigaw ko dahil nakakaramdam na ako ng lula dahil tumataas pa lalo yung pag swing pero patuloy pa rin ako sa pagtawa lalo na pag pababa kami dahil nakikiliti ako.






Puro lang kami sigaw nila Wryssie hanggang sa matapos yung ride. Medyo nahihilo ako pero okay lang naman. Sumunod naman kami sa Ekstreme tower kaya nangatog ako dahil sobrang taas! Takot ako sa heights!






"Ayoko dito.." Bulong ko sa sarili ko kahit tumataas na kami.






Tinignan ko si Eze sa tabi ko na nakatingin lang sa harapan. Wow, what a beautiful view! napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya nilingon niya ako. Hinawakan ko yung kamay niya nang walang pasabi dahil nangangatog na ako dito! Habang pataas nang pataas, lalo lang lumalawak ang mga nakikita ko kaya napapikit ako at napapahigpit ang hawak ko sa kamay niya.



Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now