07

22 4 1
                                    

"Hoy! Tulala ka na naman!" Sigaw ni kacy sa 'kin pagkapasok niya ng room.



Gosh! Hindi pa rin mawala sa utak ko yung sinabi ni Eze nung Friday.... Pero baka iba naman yung ibig sabihin niya sa 'like' na 'yon. Baka 'like' as a friend 'yon.



Napasimangot tuloy ako. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa prof na nag g-group para sa plates na ipapasa sa friday. By partner daw kasi 'yon kaya hinintay ko na lang matawag ang pangalan ko at kung sino ang makaka partner ko.



"Loui Mae Mercado and Christof Haiden Ortega" Sabi nung prof ko kaya agad akong napatingin kay Christof. Magaling rin siya sa pag gawa kaya ayos lang sa 'kin. Alam kong hindi ako gaano mahihirapan dahil narinig ko nung nakaraan sa partner niya sa isang plates na by group din ay nag paparticipate talaga siya at maganda ang suggestions niya.



Pinag isipan ko na yung gagawin namin pero isinantabi ko na rin agad dahil gusto ko rin marinig ang opinyon niya. Nung uwian na ay sumenyas si Christof na antayin ko siya para dito na kami sa classroom mag-usap tungkol sa plates kaya yun ang ginawa ko.



Habang nag-uusap kami ay hindi ko maiwasang titigan siya habang nagsasalita siya sa mga suggestion niya about sa plates. Hindi naman ako umangal dahil may sense lahat ng 'yon at magaganda talaga. 



"Let's buy materials tomorrow" Sabi niya kaya tumango ako.



Pagkatapos naming mag-usap ay sabay na rin kaming bumaba. He offered me na ihatid sa condo ko pero tumanggi ako dahil may dala naman akong kotse. Pagkauwi ko sa bahay ay naligo lang ako at kumain saka pinag isipan at nilista ang mga materials na bibilhin namin bukas dahil baka may makalimutan pa kami. Minsan kasi sa sobrang dami kong iniisip, stress, at pagod, nagiging makakalimutin ako. Ako pa naman ang nag offer na magli-list ng materials!



Kinabukasan ay sabi sa 'min nung prof namin na ibibigay niya lahat ng time niya for this week sa 'min para sa plates na gagawin namin dahil hanggang Friday lang naman 'yon. kaya hindi kami masyadong aligaga sa gagawin dahil marami kaming oras. Nakabili na kami ni Christof ng materials at nagsimula na rin kami sa pag gawa. He was so energetic kaya pati ako ay nahawa.



Magkatapat kaming magkakapartner ng upuan dahil lahat kami ay aligaga sa plates na pinapagawa. Sa school lang daw pwede 'yon gawin kaya binubuhos namin lahat ng oras para sa plates. Sabay na rin kaming bumibili ng pagkain ni Christof tuwing break time at binibilisan lang namin lagi ang pagkain para makabalik na agad sa classroom.



Hanggang Thursday ay 'yon lang ang ginagawa namin kaya masaya kami at natapos namin yung plates bago yung deadline.



"Ang sakit ng kamay ko" Sabi ko habang inaalog ang kamay ko dahil sa ngalay.

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now