15

62 2 51
                                    

"Uhmm...Uwi na tayo. I mean, I-uwi mo na 'ko" Naiilang na sabi ko dahil sa sinabi ni Aden! Juskong bata 'yon! Hindi ko alam kung napanaginipan niya yung pagtatanong niya sa 'kin kanina sa NBS kaya niya sinabi 'yon!




Too?! Para niya akong lowkey nilaglag kay Eze! Para na rin niyang sinabi na mahal ko si Eze kaya sinabi niyang mahal din ako ng kuya niya! Shit! Ang awkward! Hindi ko alam kung pano ako gagalaw at kung saan ako titingin habang nag d-drive siya!




"Are you okay?" Tanong niya nang mapansin na kung saan-saan ako tumitingin.




"Uh..hinahanap ko yung tali ko" Pagdadahilan ko at tumingin sa bag ko saka umaktong hinahanap yung tali ko.




Narinig ko ang maikli niyang pag tawa. "Mae" tawag niya nang tumigil kami dahil traffic




"Hmm?" Tumingin ako sa kanya. Nakasandal ang isa niyang siko sa bintana habang pinaglalaruan niya ang kanyang labi gamit ang daliri, Trying so hard not to laugh. Bigla naman siyang ngumuso sa 'kin kaya napakunot ang noo ko.




"Huh?" Nagtatakang tanong ko. Ngumuso ulit siya "Kiss?!" Gulat na tanong ko.




Hindi na niya napigilang tumawa nang malakas. Anong nakakatawa? Para akong tanga dito na hindi ma-gets yung gusto niyang sabihin habang siya hindi matigil kakatawa. Hindi pa rin siya tumitigil kakatawa kaya naiinis ako.






"Eh ano ba kase?" Inis na tanong ko at hinampas sa kanya yung bag ko.




"Ouch!" Sabi niya at natatawa pa rin. Inirapan ko na lang siya at tumingin na lang nang diretso kahit na hindi pa umaandar para hindi siya pansinin.






Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin kaya nagulat ako at napaatras. "A-anong gagawin mo?" Kinakabahang sabi ko at tumingin tingin sa paligid dahil hindi pa rin kami umaandar. May jeep pa sa tabi namin at maraming nakasakay!




Pagharap ko, Nakatingin siya sa 'kin saka ngumisi at tumingin sa kamay ko. Nang mapatingin din ako doon, Minura ko nang minura yung sarili ko sa isip ko dahil nasa pulsuhan ko pala yung tali ko at yun yung tinuturo niya.






Hindi kiss! Nakakahiya, Mae!





Pag-angat ko ulit ng tingin sa kanya, nakangisi pa rin siya. Nang tumingin na ako ng diretso ulit, Doon na siya bumalik sa pagkakaupo at kinuha ang kamay ko para mahawakan niya.





"Huwag mo na ako Ihatid bukas pauwi" Sabi ko kaya napatingin siya sa 'kin saglit at binalik ang tingin sa harap.


Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now