22

29 2 11
                                    

Tutal wala naman akong magawa, napag-isipan kong maglaba na muna habang hinihintay si Eze. Alam kong medyo matatagalan 'yon dahil masyadong magkalayo ang bahay nila dito sa 'min. A-abutin siguro ng 40-50 minutes. Kung traffic siguro sa dadaanan ay aabutin siya ng isang oras. Kaya habang hinihintay siya ay maglalaba muna ako ng mga damit ko dito na madumi na para kahit papano ay magawa ako. Mga nasa 21 piraso lang naman 'yon dahil madalas lang ako umuwi dito lalo na't busy ako. Ako rin talaga ang naglalaba ng mga damit ko dahil ayoko 'yung way ng paglalaba ng iba.



Umakyat muna ako sa kwarto ko para kunin 'yung laundry basket ko doon kung saan nakalagay 'yung mga maduduming damit ko. Kinuha ko na rin 'yung maduduming damit ni Nathalie sa kwarto nila Mama para isabay ko na rin. Isasabay ko na rin sana 'yung kela Mama pero wala naman akong maduming damit na nakita. Nagpalit na lang din ako ng white shirt para komportable saka ako bumaba na.



"Nathalie maglalaba lang si ate, ah" Sabi ko kay Nathalie nang mapadaan ako sa harap niya, hawak-hawak 'yung laundy basket. Kanina ay nasa sofa siya, ngayon nakaupo na siya sa carpet sa lapag namin at nagbaba pa ng unan para may sandalan siya.



"Okay.." Sagot niya, nakatingin pa rin sa TV. Hinarangan ko naman 'yung pinapanood niya kaya agad niya akong tinignan nang masama "Ate! Nood ako!" Naiinis na sabi niya.



Tumawa naman ako "Kiss mo muna ako before ako maglaba" Pangungulit ko. Agad naman siyang gumapang papunta sa 'kin kaya tuwang tuwa ko siyang sinalubong. She kissed me on my cheek.



"Tawagin mo 'ko sa labas pag may kailangan ka. Nasa likod ako" Sabi ko dahil nasa likod nakalagay 'yung washing machine at dryer namin.Tumango naman siya habang nakangiti kaya lumabas na ako.



Kumuha pa ako ng isang laundry basket para mapaghiwalay ko 'yung de color sa puti kong damit. Inuna ko muna 'yung mga puti kong damit saka nilagyan ng sabon at pinaikot for 15 minutes. Kumuha na rin ako ng palangganang dalawa at pinuno na rin 'yon ng tubig. Mabuti na lang sa likod ng bahay namin ay mataas taas 'yung harang ng pader kaya hindi ako makikita dahil pinasadya ata ni papa na mataas 'yung harang dito para tagong tago dahil dito kami naglalaba at hindi rin agaw pansin pag may dumadaan. Privacy na rin.



Kinuha ko muna 'yung speaker ko sa kwarto ko para naman hindi ako mabored habang hinihintay matapos 'yung ikot ng mga damit. Kumuha na rin ako ng malaking clip at tinali ang buhok ko para walang sagabal at hindi ako masyadong mainitan. Meron nga lang mga baby hair at buhok sa magkabilang gilid ng noo ko ang hindi naisama dahil masyado pa silang maikli kaya hinayaan ko na lang itong nakalantad dahil maayos pa rin naman tignan at mukhang messy bun ang itsura dahil sa mga baby hair at bangs ko sa magkabilang gilid ng noo.



Nang tumigil na ang washing machine sa pag-ikot ay piniga ko na isa-isa ito at inilagay na sa balde saka ko naman sinunod na pinaikot ay 'yung mga de color ko na damit. Nang maikot na ay sinimulan ko ng anlawan 'yung mga de puti kong damit. Isa-isa ko lang itong inilalagay sa palanggana para mabilis mawala 'yung sabon. Napapansin ko kasi sa iba na pag sabay-sabay nilang inilalagay sa palanggana 'yung mga damit na may puro sabon ay hindi pa rin agad mawawala 'yung sabon. Useless din. Kaya ang ginagawa ko ay sa unang palanggana ay isa-isa ko lang siyang binabanlawan para kahit nakalagay na sila sa pangalawang palanggana ay okay lang dahil nawala na 'yung ibang sabon nito. Para hindi rin sayang sa tubig. Mabango pa!

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now