08

46 2 8
                                    

Pagka-uwi ko ay naligo ako at uminom nang uminom ng tubig para makakalma. Nakakainis naman 'yon. Pero hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito dahil walang kami. Sinabunutan ko yung sarili ko saka humiga sa kama ko at binuksan ang phone ko.



Nakita kong maraming messages kaya binuksan ko 'yon at binasa.



From: Aiella

Okay ka lang ba? Asan ka?



From: Aiella

Text mo 'ko pag nakauwi ka na.



From: Ashley

Where are you? Ayos ka lang ba?



From: Ashley

HOY SUMAGOT KA!


From: Wryssie

Hoy bat ka naman umalis bigla? Anyare?



From: Wryssie

Hoy mag reply ka hayop ka



From: Kyla

Okay ka lang ba? Asan ka?

 

From: Kyla

HOY MAG REPLY KAAA



From: Kyla

ISA, MAE AH.



May pito pa silang missed calls lahat! kaya agad akong nag-reply.



To: Aiella

Bakit naman hindi? Okay lang ako. nakauwi na 'ko.



To: Ashley

Oo naman. Nasa condo na. 



To: Wryssie

Wala, ayoko uminom masyado eh. pagod din ako. 



To: Kyla

Oo, ayos lang ako. Nasa condo naaaa



Pagkareply ko ay tinry kong ipikit ang mata ko pero nagulat ako nang biglang may tumawag. Si Ashley.



"Why?" bungad ko.



[Anong why?! Ayos ka lang ba?] pasigaw na tanong niya kaya inilayo ko yung tenga ko ng kaunti.




"Oo naman. Bakit nga hindi?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.




[uh... Syempre may.. h-humalik sa kanya.] Kahit hindi naman siya mag drop name alam ko na ang tinutukoy niya.



"Ah, yun ba? Oo, ayos lang ako. wala naman akong pake Hahahaha!" Sabi ko at tumawa.

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now