Chapter 22

4.7K 158 6
                                    

Nag-aaral pa po kasi ako, third year high school kaya pakiintindi nalang po kung bitin ang Ud.

Salamat.

Dedicated to: YouAreMyDestiny25

Nadine Alexis L. Reid

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Pakiramdam ko ay wala akong lakas. Una kong nakita ang puting kisame.

Ang naririnig ko lang ay tunog sa monitor.

Tahimik sa buong kwarto ng nilibot ko ito. Nakita ko si James na na upo sa sofa at nakasandal ang ulo. Natutulog siya,

Nauuhaw ako, Gusto ko ng tubig.

"J..james.." Pilit kong nilalakasan ang boses ko.

Hindi siya nagising kaya tinawag ko ulit siya.

"J..james." mas nilakasan ko ay unti unti niyang minulat ang mga mata niya at tinitigan ako bago nagmamadaling lumapit sakin.

Hinawalan niya ang mga kamay ko at idinikit sa pisngi niya.

Ang lamig ng pisngi niya.

"How are you? Masakit pa ba ang sugat mo? How about sa loob ng katawan mo may nasakit? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo?" Sunod sunod na tanong niya sakin, nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.

Medyo paos siya.

Hindi ko siya sinagot.

"T..tubig muna." Nanghihinang sabj ko.

Shet! Para akong naubusan ng laway dahil pakiramdam ko ay 10 taon akong tulog.

Baka nga bad breath pa ko ngayon eh.

"Sige ikukuha kita."

Kumuha agad siya ng tubig.

Aabutin ko na sana yun kaso siya mismo ang kumontra.

"Ako na.." malambing na sabi niya sabay pina inom niya ko ng tubig.

Tinitigan ko siya at parang pagod na pagod siya, yung parang wala pang tulog.

"Gaano ako katagal dito?"

"Dalawang araw ka nang tulog. To be exact, 48 hours na ang tulog mo."

Bakit napahaba ata ang tulog ko?

Nasaksak lang naman ako ng baliw.

"Muntikan ng may masagi sa internal organs mo. Tapos muntikan ka pang maubusan ng dugo dahil malaki ang hiwa sa tiyan mo. Hindi tayo magkamatch ng dugo kaya medyo natagalan bago ka nasalinan, marami rin kasing type A blood ang nangangailangan kaya naubos yung blood bags nila." Umupo siya sa tabi ko.

Hinawakan na naman niya ang kamay ko.

Hindi siya tumitingin sakin habang nilalaro niya ang mga daliri ko.

"Nag-alala ako ng sobra, pakiramdam ko may mabigat na nakadag an sa dibdib ko tuwing iniisip kong hindi ka nila masalinan ng dugo. Hindi ako mapakali, lahat ng dumadaan sa harapan ko ay pinakikiusapan kong bigyan ka nila ng dugo dahil baka iwan mo ko." Nanginginig na sabi niya sakin.

Damn it! Nawindang ako sa sinabi niya! Ano yon?

Pinagpatuloy niya ang pagnonobela sa harapan ko habang nakayuko.

"Ewan ko! Di ko alam kung bakit ganito ako! Imposible namang gusto kita!" Bigla siyang sumigaw at parang kinakausap na niya ang sarili niya imbis na ako.

Anyare? Nabaliw ba siya sa pag-aalala sakin?

Ang assuming ko, kakagising lang sa ospital landi agad?

Maya maya naman ay naging seryoso siya.

"Im sorry, Hindi dapat kita iniwan. Im sorry." He said with full of guilt.

Napaluha ako, Iniwan mo kasi akong loko ka!

"O siya, tutal nangyari na, Pagbayaran mo nalang ang ginawa nung lokong yun sa sexing kong tyan."

Napatawa siya ng konti.

"Wala ka nang pag-asa." Natatawang sabi niya sabay tayo at may tinawagan sa Cellphone niya.

Nung natapos na ang phone call niya ay tinanong ko siya dahil balak kong parangalan ang kung sino man na nagligtas sa dyosang (me) naghihingalo dahil nasasaksak.

"James, sino yung nagdonate ng dugo sakin?"

Pero ang sagot lang niya ay 'basta'

Hay! Bakit ba ang drama ng Buhay ko?

Una,naghirap ang pamilya namin.

Pangalawa, iniwan ng magulang

Pangatlo, minalas sa kaibigan

Pang-apat, nakapag asawa ng playboy

Panglima, Nareject ako

Tapos nasaksak pa?!

Ano nang sunod na kadramahan na parang sa teleserye na?

Baka naman mabuntis ako ni james tapos iiwan niya ko. At pagkatapos maghihiganti ako dahil nalaglag pala ang bata.

Haru jusko!

At eto pang si james, na touch ako sa kanya.

Mantakin mo yun! Hindi pala niya ko kayang mawala sa buhay niya!

May gusto na kaya siya sakin.

Eto na naman ako, mag aassume tapos rejected naman lagi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: sorry po sa mga wrong grammars and spellings, pasensya na po talaga.

Busy po kasi ako dahil kakatapos lang ng prom namin tapos exam na agad. At ngayon may Finals pa.

Jusko, maaga akong tatanda!

Salamat nga po pala sa nagbabasa nitong story kahit panget hehe

Happy 9k Reads. Okay na sakin yun.

Partners For Life(JaDine)Where stories live. Discover now