Chapter 30

5K 142 35
                                    

Kasalukuyan akong nagdidilig ng halamanan dito sa maliit na garden ng mansion.

Sa totoo lang, Nagdilig lang ako dito kasi ayoko sa loob. Nandon kasi si james na hayop sa gwapo.

"Oh sige, Magpakabusog kayo....Minsanan lang to." Sabi ko dun sa mga halaman.

Hindi naman sila sumagot. Mga bastos talaga! Sila na nga itong pinagmamalasakitan eh.

"Maam, pinapatawag po kayo ni Ser." Nakangiting sabi nung chimaymay.

Nangarera ang puso ko. Pinapatawag raw ako?

"Gising na siya?"tanong ko dun sa katulong habang maingat na nililigpit ang hose.

"Opo." Magalang na sagot niya.

Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko siyang nakahiga sa couch at nakapout habang nakatingin saken.

Napangiwi ako dahil sa kacutan niya.

"Bakit mo ko iniwan?" Sabi niya.

Tss. Loko to.

"Nagdilig lang ako" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Are you rolling your eyes at me?" Gulat na tanong niya na parang bata.

"Obvious naman diba?" Tataray taray na sabi ko.

"Come here..." malambing na turan niya at ibinuka ang dalawang kamay para lumapit ako doon at yakapin siya.

Hindi ko alam pero sumunod ako ng parang tuta sa kanya at umupo sa couch.

Ngumiti siya at ipinulupot ang nga braso sa baywang ko.

Pinagpapawisan ako ng todo!

Hindi ako sanay na ganito siya kalambing sakin.

"Anong nakain mo? May sakit ka ba?" Ako.

Pinikit niya ang mga mata niya.

"Bakit?" Inaantok na tanong niya.

"Hindi kasi ako sanay na ganito ka kalambing eh." Naku! Baka naman may nakain siya.

Tumawa siya ng mahina.

"Buti naman di kana ganun kasungit." Tatawa tawang sabi niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Ang gwapo gwapo ng mestizo niyang mukha. Yung mga mata niyang kulay abo, yung ilong niyang pointed at yung  mga labi niyang ang sarap sarap halikan dahil sa kapulahan.

Gosh!

"I like it when you're looking at me like that. It seems that you really want me." Nakapikit parin na sabi niya.

Huwat?! Ang lakas naman ng pakiramdam niya.

"Feeling.." bulong ko sa kanya.

He chuckled.

Naglalambing si James nung may dumating na chimaymay.

Pang-asar tong mga chimaymay mga bhe!

"Sir..." tawag nito kay james.
Pero itong si Mokong ay parang walang naririnig at nakayakap parin sakin na parang oranggutan.

"Sir.."ganun parin ang reaksyon ni james.

Nung medyo nahihiya na yung katulong ay ako na ang tumawag sa nagbibingi-bingihang unggoy!

"Hoy! Bingi ka ba? May sasabihin si chi--- What's your name?" Tanong ko dun sa chimaymay.

"Resha po." Magalang na sagot niya.

What a cute name!

"Hoy! Tinatawag ka ni resha!" Sigaw ko sa tenga mismo ni james kaya napangiwi siya at napatanggal nang yakap sakin.

"What?!" Bitin na sabi niya.

"TINATAWAG KA NI RESHA!!" Litsi naman oh!
Ayan, mukhang nahimasmasan na!

Naadik yata sa amoy ko eh! Hahaha

"Why?" Maikling tanong niya kay resha na ngayon ay namumula na.

Heck?! Namumula siya?

"Sir.. May bisita po kayo.." mahinang sabi niya.

Bisita?

Na naman?!

"Galing daw po siyang Australia.." napatingin ako kay james.

Nakita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kanyang labi.

No..

No..

Hindi pwedweng mangyari to! Nagsisimula palang ang aming mahalimuyak na pagsasamahan!

Imagination:

James: Lets file an anullment. This marriage is not for us. Its not working.

Nagulat ako at exaggerated na umiyak sa harapan niya at may drama pa kong lumuhod luhod sa harapan niya.

Ako:No! Please! Gagawin ko ang lahat!

James:hindi ko rin akalain na babalik ang  minamahal ko noon pa galing australia.

Ako:Pero ako na ang mahal mo!

James: mas maganda siya sayo!

End(**

Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang tuhod ko. Gago tong lalaking to ah! Talagang dadalhin niya pa ko dun sa harap ng pintuan na kung saan nag-iintay ang ex niyang galing australia?!

Dahan dahang nagbukas ang pinto at tumambad sakin ang isang matangkad at malaking katawan ng isang lalaki.

Teka.. Lalaki?!

Lalaki ang ex ni james?

Gosh! I cant take it anymore!

"Bro! " nag fist bump sila at nagtawanan sa harap ko pa talaga!

"How are you?" Tanong nung kano kay james.

"As you can see, Im getting hotter Bro!"  Nakangising sabi ni james at pinakita pa ang abs niya.

"Wanna get laid tonight? I'll give you a hot babe from autralia!"

Pigilan niyo ko! This Whale is getting on my nerve! Hindi porket gwapo at Blonde siya ay mag gagaganyan siya!

Aalukin pa niya ang asawa ko ng Hot Hot!

Hindi ako nagseselos sa hot babe na yun!

"Bro. Im married! " sabi ni james sabay hila sakin.

Ako naman ay taas noong tiningan yung lalaking walangya!

Syempre may tiwala ako sa kagandahan ko no! Im beautuful!

"Oh.." nakakunot na sabi nung lalaki at pilit na pinipigil ang tawa. "I see.."
"She's Nadine, My wife." Pagpapakilala ni james sakin.

Ngumiti lang yung kano!

"She's fine.." sabi nung kano.

FINE LANG?! DAPAT PRETTY O KAYA HOT!

"His name is Tom Reid. My Brother." Nanlaki ang mga mata ko at agad napahiya sa kayabangang inasal ko kanina sa isip ko.

"Hello! Nice to meet you!" Masiglang turan ko sa kanya.

"Nice to M you too."

Sheeet! Nakakahiya talaga! Im sorry tom!

////

Hi! Sorry sa matagal na U.D huhu. Nasa pampanga kasi kami this past few weeks kaya di ako makapag-UD.

BTW, Napanood niyo yung #JadineOnGGV?

May 13 na pala ang PSHR!

Pati malapit na yung ON THE WINGS OF LOVE!

Partners For Life(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon