Chapter 13

4.4K 144 4
                                    

Maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa! I love you!

♥♥♥♥♥

Ipaglalaban ko kung ano ang akin.

1 linggo na nung umalis si Ellen Punyeta matapos ng awayan namin.

Inawat kami ni james at sinigawan niya si ellen.

"Wag mong sasaktan ang asawa ko Ellen. Umalis ka na kung manggugulo ka lang."

Medyo corni pero kinilig ako nung panahong yun.

Kaya ayun, nagtatakbong umalis si ellen at madramang umiiyak.

Sa totoo lang hindi ako masaya ngayon.

Bakit?

1 week na ang nakakalipas. Si james, nagiging malamig ang turing niya sakin.

Lagi na lang niya kong iniiwan sa bahay at nag babar tuwing gabi. Kung uuwi siya kundi lasing ay galit o mainit ang ulo kaya hindi ako nag abalang kausapin siya.

Pero nagyon iniintay ko siya. Mag sosorry ako sa kanya about kay Ellen kahit labag sa loob ko.

Hindi ko kasi talaga alam kung bakit nagkakaganyan siya.

May nagawa ba kong mali?

Huminga ako ng malalim ng wala pa rin akong natatanaw na kotse. Nandito ako sa Balcony ng bahay.

11:56 na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Nag aalala na ko.

"Maam, matulog na po kayo." Sabi ni Loren, ang isa sa mga ka close kong chimay dito.

Kaedad ko lang siya. Maganda siya, Matangkad at masasabi kong mas sexy siya saken. Umaalon ang brownish niyang buhok na hanggang balikat.

Minsan nagtataka ako kung mahirap ba talaga siya dahil kutis mayaman.

"Mamaya na.." I said sadly "Iintayin ko lang si james."

"Pero maam, mag aalas dose na po." She said.

Umiling ako at nilamig dahil sa malamig hangin na tumama sa balat ko.

"Stop calling me 'maam'. Pinagmumuka mo akong titser. Just call me by my name. Kumuha ka nalang ng dalawang tasa ng kape at samahan mo kong intayin si james kung okay lang."

"Okay lang naman." She said at sinunod na ang utos ko.

Nung bumalik siya ay dala niya ang tasa ng kape. Umupo kami at nag usap usap tungkol sa ibat ibang bagay. Masaya siyang kausap at bahagya kong nakalimutan si james.

Nung umalis na si Loren ay sakto naman na nakaaninaw ako ang ilaw ng kotse mula sa malayo.

Nung nakalapit na ang kotse ay nadismaya ako na kulay Pula ito at hindi itim.

Uupo na sana ulit ako ng makita kong tumigil ang kotse sa harap ng gate namin. Tumayo ako at dumungaw.

Nakita kong lumabas ang isang babaeng sexy galing driver seat.

At nagulat ako ng lumabas rin si james sa kotse. Napaawang ang bibig ko ng makita ko kung paano inilapit ni james ang mukha niya sa babae at hinalikan ito.

Biglang bumigat ang loob ko. Gusto kong sumugod gaya ng ginawa ko kay Ellen pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Parang pakiramdam ko ay wala akong karapatan. Ngayon ko lang narealize na mali ang ginawa at inasal ko kay punyeta. Hindi nga pala sakin si james, kasal kami pero wala parin akong karapatang magselos.

Siguro kaya ang lakas ng loob kong sugudin si Ellen ay dahil alam kong ayaw ni james sa kanya.

Mariin akong pumikit at nakaramdam ako ng mainit ba likidong nanggaling sa mga mata ko.

Hinawakan ko ang pisngi ko at nakakita ako ng luha.

Tears. WTH?! Im crying?

Fuck?

Partners For Life(JaDine)Where stories live. Discover now