Chapter 52

2.9K 87 20
                                    

Nilihim ko lang ang nalaman Kong nabuntis nung lintik na si Ramon na ng tanda tanda na eh sobrang harot pa si Loren. Napakafeeling pogi ampucha.

Humiga ako sa Kama at tinitigan and baby juris ko. Habang lumalaki siya ay mas lalong nadedefine ang pointed na nose niya gaya nung Kay James.

Bakit? Huhu

Bakit parang walang kinuhang kahit ano sakin tong batang to? Huhu

Lahat ng features ng mukha ay Kay James

"Ang gwapo gwapo ng baby ko". Sabi ko sabay halik sa maliit niyang leeg.

"Ang bango bango pa" Tapos inamoy ko ang pisngi niya.

Ngumuso siya habang tulog siya. Sobrang cute magpout ng baby ko.



Hanggang sa mawalan na ko ng Malay sa sobrang pagod eh nakanguso parin siya.

********



"MANLOLOKO KAYO! PAANO NIYO NAGAWA SAKIN TO?! HUHUHU! LOREN! PINAGKATIWALAAN KITA! ALAM KONG MAS MAGANDA AT SEXY KA SAKIN PERO PAANO MO NAGAWANG AHASIN ANG BOYFRIEND KO?!" Dumagundong ang buong bahay nung narinig ko ang irit at hagulgol ni Resha mula sa labas.

Agad agad Kong binuhat si baby juris at nilagay sa crib.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

"Aksiden..te lang Ate Resha.." Umiiyak na sabi ni Loren.

Etong si Ramon ay Parang wala lang sa kanya. Tuwang tuwa pa dahil feeling pinag aagwan ng dalawa.
Sarap palayasin

"MGA BWISIT! SIGURADONG INAKIT MO ANG BABY KO! HAYUF KA! AHHH!" sumugod si Resha papunta kay Loren.

Jusko! Susmaryosep!

Pumagitna ako sa dalawa kaya ako any nasabunutan ni Resha. Aray ko! Buset talaga yang Ramon na yan!

"Ma'am?!" Gulat na sabi ni resha kaya agad niyang tinanggal and pagkakasabunot sa ulo ko.

"Umupo tayong lahat" Utos ko sa kanila na agad nilang sinunod.

Tanging hangulgol ni Resha at iyak ni Loren ang naririnig ko.

Seriously? Iniiyakan nila tong hinayupak na to?

"Ramon.. Akala ko ba ako lang lalabs mo? Huhu. Ang sakit sakit!" Halos mahimatay si resha.

"Resha. Hindi ka sapat para sakin"

Wtf?

"Dapat yung maganda at sexy dahil ang sabi ng nanay ko gwapo daw ako Kaya unfair naman sakin kung ikaw." Pagfefeeling ni Ramon.

Abay saludo ako sa kakapalan ng mukha Neto.

"Ramon. I think it would be better if you leave" seryosong sabi ko

Dahil hanggat nandito ang hinayupak na lecheng Ramon to eh walang mangyayari.

"Po? Bakit po?! Wag naman ho kayong mamersonal ma'am. Kasalanan to nang kagwapohan ko!". Maiiyak na sabi niya.

"Pansamantala lang naman. Pag nandito ka , lalong mag aaway tong dalawa. Ayoko ng maingay. Ayoko ng maiingayan ang anak ko."

Tumayo ako.

"At kayo, ayusin niyo yang sarili niyo."

Nanggagalaiti parin si resha habang nakatitig Kay Loren na Panay ang hagulgol. Hanep! Umiiyak na ang ganda ganda parin!

"Tama na yan" sabi ko sabay irap sa kanila.















MAG-IISANG BUWAN na ang lumipas.




Kahit anino ni James sa personal ay wala akong naramdaman.

Blanko lang ang titig ko sa 52 inch flatscreen T.V.

Kitang kita ko ang gwapo niyang mukha na ngiting ngiti habang nagsasalita sa T.V.



Hayuf ka! Paano ka nakakangiti?!



















Katabi niya ang isang napakagandang Babae na nakadikit sa braso niya.












Partners For Life(JaDine)Where stories live. Discover now