Chapter 6

5.1K 177 4
                                    

This story is dedicated to all Jadine Fans out there! I love you guys! Jadinexx

Hugs and kiss.

------

Nadine L. Reid

Nakita kong ngumiti siya kaya inipit ko ang kamay niya sa kili kili ko. Kaya lalo siyang lumapit sakin.

"Itiaas mo." Utos niya na parang pinipilit magseryoso pero ngumingiti ngiti pa din.

Huhuhu I knew it!.

Hindi naman ganun kaitim ang kili kili ko. Pero hindi ko alam at itong bahaging ito ang pinaka ikinakahiya ko sa lahat.

"Itaas mo sabi"

"Ako nalang magpupunas, Kaya ko naman eh." Sabi ko habang nakatingin  sa towel at hindi sa mukha niya.

Isama niyo pa ang katotohanang naka bra lang ako ngayon sa harap niya.

"Itaas mo na kasi. " nakangising sabi niya. Hay naku! Pasalamat siya at wala ako sa mood ngayon makipag lokohan sa mga trip niya.

Itinaas ko ang kili kili ko at nakita ko na naman ang malisyosong ngiti niya.

"Ihhhh ano ba kasi yang ngiti na yan! Para kang may masamang balak sa kili kili ko eh!"  Medyo kinakabahang sambit ko.

Ngumuso siya at pinipilit wag tumawa. Namumula ang gwapo niyang mukha.

Damn! Wag ngayon ples, may lagnat pa ko. Bawal lumandi pag may lagnat!

Lumunok ako at nag-iwas tingin.

Nag pout ako at kinuha ang damit na  nakahanda sa gilid ko. Magdadamit na nga ako, baka mamaya eh ma rape ko tong asungot na to kahit may lagnat ako.

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang sabi niya. Nakatingin siya sakin habang isinusuot ko ang Tshirt kong maluwag.

"Baka nagbibihis." I said sarcastically.

Nakita kong ngumisi siya at inilapag ang towel kung saan at tumabi sakin.

"Nadine, Tell me about yourself. Gusto kitang makilala." Mahinahong sabi niya habang nakatingin sa pinto na kwarto ko kung saan may malaki akong picture.

Getting to know each other na ba kami?

Sabagay, mag asawa kami pero wala kaming alam tungkol sa isa't isa.

"Anong sasabihin ko?" Nagguguluhang sabi ko.

"Tungkol sa sayo. Kung anong klaseng buhay meron ka, sino mga magulang mo, at mga kaibigan mo."

Ngumiti ako ng mapait ng maalala silang lahat na iniwan ako.

Ang parents ko na hindi man lang ako naalala dito, hindi ba nila naisip na mag-isa na lang ako at kailangan ko sila? Inaalala ba nila kung saan ako nakatira o kaya may kinakain pa ba ko?

Letse! Kahit ganun sila. Mahal ko padin  yung mga yun! Magulang ko eh.

"Yung parents ko, Hindi ko alam kung nasan sila. Basta nung nalugi ang business namin ay hindi ko na sila nakita. At yung mga friends ko naman, ganun din dahil nalaman nila na naghirap ako ay parang ayaw na nila sakin" madrama kong pagkukwento sa kanya.

Naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata ko kasabay ng pagbigat ng dibdib ko. Miss na miss ko na ang mga magulang ko.

Lumunok ako ng ilang beses at tumingala sa kisame para hindi tumulo ang luha ko.

Nakita ko sa sulok ng mga mata ko na nakatitig siya sakin.

"Wag kang maawa sakin. Mahal ko parin naman ang sarili ko kaya may kadamay parin ako." Natatawang sabi ko kahit gustong gusto kong umiyak.

Wala naman akong pakielam sa mga friends ko. Naiisip ko lang ang parents ko.

Nagulat ako nung hinawakan niya ang kamay ko.

"Gusto mo hanapin ko ang parents mo?"

Alok niya.

Umiling ako.

"Ayoko. Gusto ko sila ang maghanap sakin, para mapatunayan ko na mahal nila ako." Dahil kahit kailan ay hindi nila pinaramdam yon sakin. Para lang akong isang doll sa bahay.

"Ayoko pag ganyan ka. Ang panget mo lalo." He said while laughing.

Loko loko!

Hinampas ko ang braso niyang medyo may pagkamatigas.

"Bakit ang bait mo ngayon? May sapi ka ba?" Nagtatakang tanong ko habang nakangisi.

"Oo may sapi na nga ata ako. Nakikipag close na ko sa hipon eh" nang-aasar na sabi niya.

Napatawa ako at itinuro ang pintuan ng kwarto ko.

"Get out." Mariing sabi ko habang nakangiti.

Umiiling siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Hihiga na sana ako ng biglang lumitaw ang ulo niya sa gilid ng pinto.

"Im sorry." Sabi niya bago tuluyang umalis. Napangiti ako,

Parang bata!

Partners For Life(JaDine)Where stories live. Discover now