Chapter 54

3.1K 119 38
                                    

This Chapter is Dedicated to : HanaCoralde. Thank you for voting :*

*******************************-**







Naluluha ako habang nakatitig sa anak kong walang kamuang-muang sa nangyari.

Ang kawawa kong anak.

Kinuha ko ang maliit niyang kamay ay hinalikan ito. Tumulo pa ang luha ko sa kamay niya.

"Baby ko. Wag kang mag alala. Aalis tayo dito. Si Mommy ang magpapalaki sayo. "

Hinding hindi kita ipapakita sa tatay mo. Hinding Hindi.

Kung eto gusto niya, ibibigay ko.

Tutal, tinatago tago naman niya kami para walang makaalam na meron na siyang anak at asawa. Paninindigan ko na.

Hinding hinding na niya kami makikita.

Napangiti ako ng mapait. Ibibigay ko sa kanya ang magpapasaya sa kanya.



Hinalikan ko ang noo ni juris bago bumaba.

Pag baba ko ay nakita ko ang bagong chimaymay na prenteng prenteng nakahiga sa sofa habang nanonood ng T.V.

With foods pa.


"NAKAKAKILIG TALAGA SI LEAHN AYALA AT JAMES REID KYAAAAA! JAEAHN " halos magwala si Tekla habang nanonood ng Movie ni James at Leahn.

"KYAAA! SUPER BAGAY TALAGA SILANG DALAWA! REAL PA! Whooooo!" Irit naman ni Miriam.

Punyeta. Imbis na maglinis.

"HOY! KAYONG DALAWA! BAKIT ANG KALAT KALAT DITO?! MAS INUUNA NIYO PANG MANOOD NG WALANG KWENTANG PALABAS NA YAN KESA MAGLINIS NG BAHAY!" lumabas na ata ang mga ugat ko sa leeg sa sigaw na yun


"Teka! Wag kang maingay shhh!" Sabi ni miriam habang titig na titig sa T.V



Napalapat din ang mga Mata ko sa T.V

Kasabay ng iritan ni tekla at Miriam ang pagtulo ng luha ko habang unti unting naghalikan si James at leahn.

"SUPER KILIG GOSH!" naghahampasan pa silang dalawa.





"Ang gwapo gwapo ni James no? Ang swerte ni Leahn sa kanya"

Pinilit kong lunukin ang pagkain na hinain nila para sakin.

"Swerte din naman si James kasi ang ganda ni leahn. Balita ko engaged na raw silang dalawa diba?"

Hindi ko na kinaya kaya padabog kong ibinaba ang tinidor at umalis sa kitchen.

Puro leahn. Puro James.


Nakakabingi na.







Nadaanan ko pa ang T.V.

Pinapalabas dun, yung about sa paghahanda ng kasal nila.




Nakita ko dun ang dati naming mansion.

Dun pala sila titira pagkatapos ng kasal.

Bat dun pa?



Tinanggal ko ang tingin ko sa T.V at nagpatuloy sa pagtaas.


Ang bigat bigat ng pakiramdam kong tiningnan ang buong kwarto namin ni James. Punong Puno ng kasinungalingan niya ang kwartong ito.

Pumunta ako sa cabinet namin at agad Kong pinagkukuha ang mga damit ko.


Hindi ko na kaya. Ayoko na dito.



Umiiyak kong kinuha yung maleta.





Pumunta ako sa Kama at dun pinatong ang maleta habang pinag lalagay ang mga damit ko.

Gusto ko nang lumayo. Yung walang T.V.

Walang leahn at James.


Kaming dalawa lang ng anak ko.


Nanigas ako ng may dalawang mabigat na kamay ang yumapos sa bewang ko.

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.


Alam na Alam ko na kung sino, Amoy palang Alam ko na.

Walang pag aalinlangan kong tinanggal ang kamay niya at puno ng galit ko siyang hinarap ng matinding sampal.



Kitang kita ko sa mukha niya ang sakit at gulat.





"Masakit ba?" Puno ng poot na sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatitig sakin.

Tinalikuran ko siya at itinuloy ang pag iimpake.

Hinawakan niya ang kamay ko pero tinataboy ko lahat.

"Wag mo kong hahawakan!" Sigaw ko.

Rumehistro ang gulat at sakit sa mga Mata niya.

Sobrang galing umarte. No wonder sikat na sikat na artista.

Ayokong hawakan niya ko.





Pero naramdaman ko nalang na niyakap niya ko ng sobrang higpit. Hindi ako makahinga.



"Are you going to leave me now? Please don't." Nanginginig na sabi niya.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko napigilan mapaluha lalo nung narinig ko ang matinding sakit at pagsusumamo sa boses niya.

"I love you. Mahal na Mahal kita." Luminya sa lalamunan ko ang mga salitang gusto Kong sabihin sa kanya.



"Hindi mo ko mahal James. Kaya bitawan mo ko. Binibigay ko na ang gusto mo. Magiging Malaya na kayo ni leahn. Tangina James, Ginamit mo lang ako eh. Para makuha yung mana mo. Bakit hindi mo nalang pinaintindi sakin na ayaw mo na?. Bakit kailangang malaman ko na ikakasal ka na? Ilang bwan ka hindi nagpakita samin ng anak mo?! Tapos malalaman Kong ikakasal ka na?!" Nagpumiglas ako sa yakap niya .






"Simula ngayon, Wala ka nang anak at asawa. Binata ka na ulit. Congrats sa inyo ni leahn. Sana maging masaya kayo."

Partners For Life(JaDine)Where stories live. Discover now