Chapter 5

5.3K 151 4
                                    

Kumakain kami ni james sa Houncryt Restaurant. Napagpasyahan niyang sa labas nalang kami kumain.

"Shrimp?" Nakangising tanong niya habang inaabot sakin ang hipon na nakatusok sa tinidor niya.

Nanliit ang mata ko dahil alam kong nang-aasar na naman siya at hinihintay na patulan ko siya. Ngumuso nalang ako at hindi siya pinansin.

Nararamdaman kong umiinit ang hininga ng ilong ko. Pati mata ko at umiinit din.

Masama ang pakiramdam ko.

"James?" May panget lumapit kay james at hinimas ang braso ng asawa ko.

"Eya!" Masigla namang bati ng asungot kong asawa.

Makikipaglandian na lang dun pa sa panget.

Tss. Tumingin ako sa salad na naghihintay na kainin ko. Nilantakan ko lahat ng nasa pinggan kahit masama ang pakilasa ko.

Masama kong tiningnan yung asungot na yun. Ang sama sama na nga ng pakiramdam ko at nangangatog na ko sa lamig ay mas pinili niya pang makipaglandian sa Eya na yan! Ang tanga niya! Kadalasan ng mga nababasa ko sa mga story, pag may sakit yung babae ay agad nalalaman nung bidang lalaki.

Well, abnormal naman tong asungot na to eh.

Nung umalis na yung eya ay agad akong nagsalita.

"Sinama mo ba ko dito para ipakita sakin na kaya mong makipaglandian sa iba?" Masungit na sabi ko.

"No! Syempre gusto ko namang mabusog ka" Sambit niya sabay kindat.

Kung dati kilig na kilig ako, ngayon naman medyo naiinis ako sa kanya.

*Achooo!!*

Napatigil siya sa pagkain nung narinig niya ang pag 'achhoo' ko.

"Teka... Bakit ang putla mo?" Nagtatakang sabi niya.

"Bampira ako! Bampira!" I said sarcastically

Nagkibit balikat siya at lumapit sakin. Inilagay niya ang likod nang kamay niya sa noo ko at ponakikiramdaman ang temperature ko.

"Mainit ka." Sabi niya sabay kuha ng wallet at sabay lapag ng bayad sa mesa ng restaurant.

Hinila niya ang kamay ko. Pinasuot sakin ang jacket niya.

"Nahihilo ka ba?" Tanong niya nung nakasakay na kami aa kotse.

Wow! May care din naman kahit papaano.

"Oo" nanghihinang sagot ko.

Tumikhim siya at tumingin sakin.

"Nagkalagnat ako dahil hinulog mo ko sa pool" may halong paninising sabi ko aa kanya.

"Kasalanan mo. Hindi ka kasi nagkakakain ng gulay kaya mahina ang katawan mo. " sumbat naman niya.

"Tama na. Umuwi na tayo. "Mahinang sabi niya at nagsimula nang magdrive pauwi.

------

Binuhat niya ko papuntang kwarto at inihiga sa kama.

"Buksan mo yung Aircon" Init na init ako at kailangan ko ng lamig

"No. " mariing sabi niya.

Nahihilong tumayo ako at pupunta kong nasan ang aircon ng bigla niya kong pigilan.

"Ang tigas ng ulo mo." Sabi niya at pilit akong ibinabalik sa kama.

"Gusto ko ng aircon!" Sabi ko sabay singhot.

Awww biglang sumakit ang ulo ko nung sumigaw ako. Shit!

"Basta bawal buksan." Utos niya sabay labas ng kwarto ko.

Pag balik niya ay may kasama siyang tatlong katulong. Yung isa,may dalang soup. Yung pangalawa, may dalang towel at tubig. At yung pangatlo, may dalang gamot.

Inutusan ni james yung mga chimay niya na ilapag yun sa table at agad pinalabas.

Kinuha niya ang soup at kutsara.

Pinaupo niya ko. Kumuha siya ng isang kutsarang soup at hinipan. Mainit pa dahil nakikita ko ang usok nito.

Nung sinubo niya sakin ay medyo malamig na.

Nakailang subo ako at umayaw na dahil wala akong gana.

Wow. Kahit babaero ay nabait din naman pala ang asungot!

Sa tanang buhay ko, ngayon lang may nag asikaso sakin ng ganito. Si mommy at daddy ay walang ginawa kundi ipadala ako sa doctor.

Pinunasan niya ang noo ko.

"Maghubad ka." Seryosong sabi niya.

Parang biglang naging green ang utak ko ah! Teka... kailangan pa bang maghubad?

"Nahihiya ka pa? Eh nung honey moon natin naghubad ka nga. Tsaka di naman kaakit akit ang katawan mo." Sabi niya.

Hanggang ngayon ba naman ay nagagawa niya parin mang insulto?

Tinulungan niya kong maghubad ng T-shirt.

"Taas kili kili" utos niya.

Oh fuck! Bakit pati yung kili kili ko?

Baka pag nakita niya to ay magkaroon na naman siya ng panibagong pang-asar.

"Ako nalang ang mapupunas ng kili kili ko. " nahihiyang sabi ko.

Ngunit mapilit ang asungot. Namula ako ng husto at medyo nakiliti ng punasan niya ang kili kili ko.

Nakita ko din ang pag ngiti niya.

Shit! Sabi na nga ba!

Partners For Life(JaDine)Where stories live. Discover now