Chapter 15: Chismis with Awareness

204 10 15
                                    

Add my fb account for more update of WGM

Pandan Tazawa


Kai's POV

"Sure? talagang magbest friend sila?"-di kombinsidong tanong sa akin ni Sunny

Itinaas baba ko ang aking kilay. Pero kunot noo lang ang nakuha kong reaction mula sa kanilang tatlo..-"Hay.. oo nga kasi! ang kulet eh."

"Weh?"-react naman ni Moonbin sa akin..-"Ayaw ko talagang maniwala hyung kasi hindi naman ata kapanipaniwala iyang sinasabi mo eh."

"Sige gusto mo palit tayo? ikaw nalang magkwento tapos ako nalang ang makikinig sayo."-singkit mata kong sabi sa kanya

"Agree ako kay Moonbin."-dugtong naman ni Hyoyeon..-"Kasi papano nga naman sila magiging best friend eh ang layo layo nila sa isa't-isa. Saka isa pa, ni tayo nga sa bahay nyo lang nagkakilala, tapos sila bff? eh sa pagkakaalam ng lahat, stragers kaming mga babae sa inyo at mismo sa amin na rin."

Di pa rin nawawala ang singkit sa aking mga mata..-"Kaya nga pinapaliwanag ko sa inyo diba? kung ano nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa, at bakit sila naging mortal na magkaaway."

"Oh sya, sige na nga.. ipagpatuloy mo na iyang kinukwento mo."-walang ganang sabi ni Sunny na para bang napipilitan nalang makinig sa one of the best chismis kong may katotohanan naman.

I cleared my throat bago proud na tumayo ng tuwid saka muling nagpalakad lakad. Sila namang tatlo ay nakaupo lang at nakasandig sa malaking puno habang nakatingala sa akin. Masaya talaga ako kapag may mga tagapakinig sa mga nakukuha kong chismis. Hihi..

Nasa ilalim kami ng tree house ngayon. Ako yung nakatokang magbantay ngayon dito. At dahil nga sa nabored ako habang mag-isang nakatingin sa kawalan dahil parang wala namang point ang ginagawa ko dito ay tinawag ko sila. Sakto naman kasing magkasama sila Sunny at Hyo na pababa ng hagdan at mayamaya ay nakasunod si Moonbin sa kanila na magsisibak ata ng kahoy.

 Kasi nga wala namang makakakita dito sa amin. Ewan ko ba't kailangan pa tong gawin eh. Tsk. Such a waste of my precious time. Sana ikinalap ko nalang to ng ibang mga chismis eh. Pero buti nalang at may mga nakumbinsi akong mga tagapakinig kaya kahit papano ay naaaliw ako haha! Yun nga lang, wag nyo nalang akong isumbong sa mga taong pinagchichismisan namin dahil panigurado patay ako nito. Puro pa naman sila mga nakakatakot. Huhu.

"Oh, sige na hyung.. ano ba talaga ang nangyari?"-muling tanong ni Moonbin. Napapagitnaan sya nila Sunny at Hyoyeon na syang naghihintay na din sa sasabihin ko.

"Okay, ganito kasi yon."-sabi ko naman saka pinulot ang isang stick sa aking paanan bago ko ibinalik ang aking mga kamay sa likod saka nagpatuloy sa paglalakad ng pabalik balik na para bang isang maestro..-"Isang napakamaimpluwensyang pamilya ang family ni Jessica. At dahil na din sa mga business ng mother nya ay nakilala nya ang biological parents ni Sooyoung. At sa di inaasahan ay naging matalik silang magkaibigan kaya naikwento ng nanay ni Sooyoung ang tungkol sa kanya. Kung paano sya nakuha ng royal family ng Swaziland mula sa kanilang mag-asawa."

"Oh tapos?"-agad na tanong ni Hyo

"Hmm.. bali kasi magkapatid lang sa tatay ang biological mother ni Soo at yung foster mother nya which is your reyna ng Swaziland."

Muling kumunot ang noo ni Sunny..-"Okay, it's getting weirder and weirder."-saka sya sumubo ng kinakain nyang cake.

Mabilis naman akong napatigil sa paglalakad at napatango tango..-"Oo nga eh. Ganyan din ako noong una ko itong nalaman."

We're Getting Married (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon