Chapter 20: I'm Very Sorry

127 11 361
                                    

Sunny's POV

Gulong gulo ako.

Hindi lang ulo ko kundi pati pala yung mga nangyari sa buhay ko.

Tumingin ako kay Henry habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko..-"Bakit mo nagawang itago ang mga ito sa akin?"-tanong ko sa kanya habang hawak hawak ang mga pictures na kinuha ko sa luggage na syang kasama ko sa aksidente ko three years ago.

Mga litrato ko itong kasama si Xiumin. Karamihan dito ay yung nasa bundok kami nila Seohyun. Hindi ko alam na kinukuhaan pala kami ni Sehun ng mga litrato ng palihim.

"Actually, kinuhaan ko ng mga litrato ang lahat ng couples."-napatingin ako kay Sehun ng magsalita ito..-"Pero ikaw lang ang nakahuli sa akin. And to make the story short, sinabi mo na secret lang natin ito in your childish way. Natuwa naman ako nun kasi akala ko makakalimutan mo dahil you're not in your matured mind. But I was wrong,  tinakot mo ako at sinabing ipagsasabi mo ito sa kanila. Syempre I got scared. Lalo na kela Kris hyung kasi nga kapag nalaman na naman to ng mga parents natin, gulo na naman ang mangyayari. And on top of that, Xiumin hyung will get mad at me. So in exchange, I beg you to keep it as a secret. But didn't expect to ask me something in return."-pag-eexplain nito bago tumingin kay Henry saka nag-aalanganing ibinalik ang tingin sa akin..-"You asked me if you could keep the pictures of you and Xiumin hyung."

Muling tumulo ang mga luha ko. Kulang nalang humagulgol ako dito.

Can't bear this.

"All this time. I didn't know anything about this."-muli kong hinarap si Henry..-"How could you do this to me?"-nanghihina kong sabi..-"Kung ibinigay mo lang sana ito sa akin noon pa, hindi na sana ako nahirapan sa pag-alala ng mga nawawalang memories ko. You know how badly shaped I was when struggling to gather all the missing pieces."

Kita ko naman ang guilt sa mukha nya. Even him can't fathom all the bad deeds that he did..-"Patawarin mo ko Sunny. Even though I say thousand of sorries, hindi ito sapat sa mga kasalanang nagawa ko. Hindi ko gustong lokohin ka. Maniwala ka sa akin please."

Na-sense naman ni Sehun na kailangan naming mag-usap ng masinsinan ni Henry kaya tumayo na ito at lumabas ng kwarto namin nina Hyoyeon. Actually, kasama syang pumasok ni Henry dito habang bitbit ang luggage ko. I guess pinakiusapan nya itong i-explain ang mga nangyari sa akin. Lalo na ang mga pictures.

Pang-anim na araw na namin dito sa bahay ni Krystal at masasabi kong nag-uumpisa ng magka-ayos ang iba sa amin. At masaya ako para sa kanila. Yun nga lang hindi ko magawang lubusang maging masaya dahil papano ko magagawa iyon kung ako mismo gulong gulo na sa buhay ko.

Yung buhay kong namumuhay ng tatlong taon sa kasinungalingan.

"Minahal kita.."-durog na durog kong sabi sa kanya

Mula sa maliit at lumang sofa ay tumabi ito sa akin sa kama..-"Hindi.. hindi Sunny. Hindi mo ako minahal."-kung kanina guilty ang nakikita ko sa kanya, ngayon ay sakit na..-"Wala ka mang maalala pero kitang kita ko.. sya ang mahal mo."

Napailing naman ako..-"Patawarin mo ko Hen."

Niyakap nya ako..-"Minahal kita Sun. Minahal kita sa buong tatlong pagsasama natin. Sa pananaw mo niloko kita pero totoong minahal kita. It's just.. it's just nagkataong ikaw ang una kong nakita sa inyo para makapaghiganti sa mga magulang nyo. Patawarin mo ako. Hindi ko din alam na ginagamit lang rin pala ako ng Hari at Reyna."-ramdam ko ang mga luha nyang pumapatak sa likod ko.

Nararamdaman ko rin ang sakit na nasa kanya ngayon. Kung tutuusin pati sya ay biktima dito. At sa mahabang panahon naming pagsasama, alam kong totoo ang pakikitungo nya sa akin.

We're Getting Married (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon