Chapter 3: Slowly Converging Book 2 Version

190 19 13
                                    

Lame Update


D.O's POV

Napangiti na lamang ako habang inililibot ko ang aking paningin sa malaking bahay namin dati. Masalimuot man itong karanasan para sa iba, ay masaya naman ako. Except lang sa part na nagkahiwalay kami ng EXO.

Napasandig ako sa sofa.

Tatlong taon na ang nakakalipas pero wala pa ring nagbago sa bahay. Alagang alaga pa din ito at hindi ito ang ini-expect kong madadatnan dito. Akala ko puro puting telang mga nakatabon sa mga gamit, at puro alikabok ang bubungad sa akin. Pero nagkamali ako. Same as last three years ago ang lahat ng mga nandito. Still intact pa din sila.

Kinuha ko ang envelope na nasa backpack ko.

Nakalagay sa invitation envelope na gagawin ako bilang isang grass ambassador sa isang bundok doon sa bansang Tuvalu. Kaya naman sa sobrang tuwa ko ay grinab ko na ang opportunity. Isa pa sayang din ang effort nilang magpadala ng postman sa bundok namin. Jusko ilang araw kaya nyang inakyat yun? saka imagine? pagbaba ko ng bundok eh may Lamborghini ng naghihintay sakin. So akala ko talaga, makakatravel ako by private plane, yun pala dito sa bahay yung bagsak ko. Tsk. Pero okay na din. Nakaka-miss din naman to.

Ang tanong lang eh.. anong gagawin ko dito? hindi ko naman naitanong yung driver kasi foreigner sya. Yung tipong isang tingin mo palang ay alam mo ng hindi sya marunong mag-English. Kaya yun, tahimik ako. Yun pala, dito lang pala ako dadalhin huhu.

Sakto namang pagkalagay ko sa bag ko ng invitation letter ay may nagdoorbell. Syempre hindi ko pinansin, baka kasi sino yun. Tapos bisita ako dito at hindi bellboy.

Napangiti na naman ako nung maalala yung dati..


Flashback

"Bata nawawala ka ba? pasensya na pero wala dito ang na---aray!"-binatukan ba naman ako ng lollipop nyang kinakain!

"Gago ka ba! fiancée ako dito!"-saka ako nginitian ni Sunny.

"Fi... fiancée?"

"Oo.. hehe.."-saka bigla nya akong hinawakan sa braso na parang batang humihingi ng tulong..-"Tulungan mo naman akong buhatin tong mga maleta ko.. hihi thank you kuya.."-matapos ay bigla nya akong hinalikan sa pisngi at nauna ng pumasok sa loob.

**

"Hello! hihi"

"Ah hi din?"-awkward kong bati kay Sooyoung..

"Eto ba ang bahay ng EXO?"

"Oo eto nga. Bakit?"

"Oh my gosh! eto na nga! oh may ghad oh my ghad! ah by the way fiancée nga pala ako dito. Hello ulit.."-saka muli syang kumaway sakin..-"Ano nga pala pangalan mo? dito ka ba nakatira? okay lang ba dito? wala bang nakakatakot o ano?"

"Mabuti pa sigurong pumasok nalang muna tayo. Tara.."-nasabi ko na lamang. Feeling close naman ang babaeng to.

Tinulungan ko syang bitbitin ang mga gamit nya.

**

"Ah! hurry! bilisan mo dali!"-bungad sakin ni Tiffany. Bigla naman akong tumakbo papunta sa gate at binuksan ito..-"Gosh! ang bagal mo! my skin's burning already!"-ay akala ko kung ano nah.

"Natural mainit sa Pilipinas."-sabat ko sa kanya

"Well I know! but I don't expect this day to be super hot! hawakan mo nga tong umbrella ko, please. Kukunin ko lang ang lotion at mga cream ko sa bag. Ghad! so freakin' hot!"-sabay lagay nya ng payong sa kamay ko at inilapit sa kanya para mapayungan sya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapahid sya ng kung ano-ano. Tatlong cream ata ipinahid nya..-"I'm done! now carry my bags. I'll go inside first. Thank you."-saka nya kinuha ang payong sa kamay ko at nauna ng pumasok sa loob. Wala akong nagawa kundi ang buhatin ang lahat ng mga dala nya na puro iisang kulay lang. Sarap namang itapon ang mga to.

We're Getting Married (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant