Chapter 2: Usual Days Continues

290 22 85
                                    


Sa mga gustong sumali sa group chat ng mga readers. I-add nya lang ako. Pandan Tazawa.


Baekhyun's POV

"Bakit ka matamlay jan?"-tanong ko sa nakatulalang si Hyoyeon habang hawak hawak ko ang pagkain ng aking mga manok.

Tumingin naman sya sa akin na para bang tutulo na ang mga luha nya..-"Baek, ikakasal na sila Lay at Yuri."

"Ano!?"-agad ko namang sigaw..-"Grabe nagulat naman ako sa joke mo."

Tumayo sya sa pagkakaupo sa kawayan at binatukan ako..-"Hindi nga kasi ako nagbibiro!"-sigaw pa nya tapos muling nalungkot..-"Ikakasal na talaga sila for real."

Ako naman ngayon ang naupo sa kawayan, kaya muli din syang umupo sa tabi ko..-"Teka? naku.. oh my ghad. Eh papano na ngayon yan?"

Huminga sya ng malalim..-"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Baek. Sobrang nasasaktan ako."

"Aba natural naman! ikakasal na ang minamahal mo. Dapat ka talagang masaktan!"

Lumihis sya ng tingin at tumingin dun sa tatlo kong mga alagang manok..-"Mabuti pa sina Red, Blue at Grey. Wala pang problema sa buhay."

Binuhat ko naman si Red saka hinimas himas ang balahibo nya..-"Ano ng gagawin mo ngayon?"-nakikisimpatya kong tanong.

"Di ko nga alam eh. Sabi sakin ni nanay, ikakasal na sila sa susunod na dalawang buwan."

Napabuntong hininga na rin ako saka tumingala sa mapayang langit.

"Ikaw? anong gagawin mo kung sakaling malaman mong kasal na si Taeyeon? tapos malay natin kay Chen pa."

Agad naman akong napalunok sa tanong nya.

Aso't pusa man kami ni Hyoyeon ay naging magkaibigan naman kami kahit papano. Nag-aaway kami sa mga walang kwentang bagay pero nagkakasundo at nagtutulungan naman kami sa mga importanteng bagay. Mabait din naman kasi sya at maalaga. Lalo na kung magkakasakit ako.

At oo, dahil magkaibigan naman kami ay nagkukwentuhan kami sa dating mga pangyayari sa buhay namin, lalo na dun sa malaking bahay. Kaya alam din nya ang kung ano ang nararamdaman ko kay Taeyeon. Na hindi ko agad nalamang gusto ko pala sya. Huli na nung gusto ko syang ipaglaban. Umalis na sya. Hindi din sya nagpaalam sa biglaang pag-alis nya at hindi ko din alam kung nasaan man sya ngayon. Pati ang mga matatalik kong kaibigan na sina Chanyeol at Chen ay hindi ko din alam kung nasaan.

"Ewan ko ba. Marami na siguro ang nangyari sa kanya sa loob ng tatlong taon."

"Pero mahal mo pa ba sya?"

Binuhat ko ang manok ko at tiningnan ito kaya nagkatinginan kami..-"Oo naman. Hindi naman yun magbabago."-ngumiti ako sa manok ko..-"Di ba Red?"

"Sana ol may minamahal"-sulpot naman ni Kyungsoo habang pasipol sipol pa.

"Anong meron?"-tanong ni Hyoyeon sa kanya

"Ito oh, bagong ani kong mga mais. Tara kainin natin. Saktong sakto meryenda natin ngayon."-sabay lahad nito ng kanyang mga maiinit na mais na nasa bilao.

Agad naman kaming kumuha at nag-umpisa ng kumain. In fairness, masarap nga ang mais nya.

"Bakit napakaseryoso nyo atang dalawa?"-kunot noo nyang tanong saka muling kumagat sa kinakain nya.

"Ikakasal na daw kasi si Lay hyung at Yuri."-ako na ang sumagot

As expected nagulat din sya at agad na napaupo sa kaharap naming kawayan..-"Okay ka lang ba?"-tanong nya kay Hyoyeon.

We're Getting Married (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon