Prologue

17 6 0
                                    

Carl's POV

Ibinuhos naming tatlo ang lahat sa pagtakbo maabutan lang si Anthony na naglalakad palabas ng main gate ng paaralang 'to. Alam kong sa sandaling tuluyan na siyang lamunin ng liwanag ay magkahiwalay na ang aming mundo at hindi ko na siya makakausap pa.

Sinubukan naming tawagin siya ngunit para bang hindi niya kami naririnig. Gusto kong humingi man lang ng tawad sa kanya bago kami magkahiwalay at umaasa akong sa sandaling maalala niya ang lahat na nangyari, bubuksan niya muli ang kanyang puso para sa amin.

Hindi ko alam kung bakit habang nakatingin kami sa liwanag kung saan patungo si Anthony ay para bang nanghihina kami. Hindi ko man lang kayang hindi mapatianod sa ihip ng hangin. Sa paraang 'yon sana mas mapadali ang paglapit namin sa kanya at maabutan namin siya. Ngunit huli na ang lahat. Tuluyan na siyang nakalabas ng gate.

Napaluhod ako habang hinihingal kaming tatlo. Napadapa ako sa lupa at hinahabol ang paghinga. Medyo matagal na ring panahon no'ng naramdaman ko ang pagkapagod. Pakiramdam ko muli akong nabuhay dahil dito.

Nakakalungkot. Bakit hindi lumingon si Anthony sa amin kahit isang beses man lang bago niya kami iniwan? Naalala niya na ba ang lahat, kaya wala na siyang pakialam sa amin? Hindi niya tinupad ang usapan namin na maglalaro kami ng Dota ngayong gabi.

Napalingon ako kay Joseph noong bigla niyang hawakan ang aking balikat saka niya ako tinulungang makatayo. Pagkatapos ay tinapik-tapik niya ang aking likod.

"Naniniwala akong hindi niya talaga tayo narinig kanina no'ng tinawag natin siya."

Sabi ni Ayan na kalmado lang ang tuno ng kanyang pagsasalita. Simula noong namatay kami, biglang nag-iba ang kanyang ugali. Hindi na siya 'yong dating maangas kung magsalita at agresibo. Ngayon, palage siyang seryuso, minsan lang kung magbiro at napakamisteryuso kung ikukumpara sa aming mga kasaman niyang multo rito.

"Agreed! Isa pa, marami ang mga tao sa labas na naghihintay sa kanyang pagbabalik."

Pagsang-ayon rin ni Joseph kay Ayan. Napayuko ako dahil sa mga sinabi nila. Nararamdaman ko pa rin ang bigat dito sa puso ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung may isa na naman sa aming tatlo ang biglang umalis.

Tinalikuran namin ang main gate ng paaralang 'to at saka naglakad paalis habang nakaakbay si Joseph sa akin.

"Kapag darating na ang panahong magkikita tayong apat, sigurado akong nangungulubot at bungi na si Anthony."

Pagbibirong sabi ni Joseph kasabay ng kanyang mapang-asar na tawa.

"At tatawagin natin siyang lolo."

Sabat naman ni Ayan sa kalukuhan ni Joseph. Habang nakaakbay pa rin si Joseph sa akin, nakayuko lang ako at nakatitig sa bawat hakbang ng mga paa ko habang nakikinig sa mga pinagsasabi nila.

"Maraming naghihintay kay Anthony sa labas na kagaya nating nagpapahalaga rin sa kanya."

Biglang napatigil ako sa paglalakad matapos kong marinig ang sinabi ni Ayan dahilan upang mapahinto rin sila. Noong nag-angat ako, nakita kong nakatingin silang dalawa sa akin na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan.

"H'wag nating ipagkait ang buhay na para sa kaibigan natin. Tama ang disisyon ni Misaki.

Napatingin ako kay Ayan na nagsasalita sa harapan ko.

"Kahit masakit sa kanyang mawalay kay Anthony, ngunit alam niyang hindi pa ngayon ang tamang panahon upang makasama niya si Anthony."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Ngayon siya na naman ang umakbay sa akin pagkatapos ay ipinagpatuloy namin ang paglalakad.

"Carl, h'wag ka nang malungkot d'yan. Ayaw mo no'n, hindi na tayo tatanda, mananatili pa ang kaguwapuhan natin. Si Anthony magiging mukhang ulyanin na.'

Nagtawanan kaming tatlo dahil sa sinabi ni Joseph. Minsan nakakalungkot ang katutuhanan, ngunit malalaman mo rin ang kahalagahan nito sa sandaling matutunan mo na itong tanggapin.

@GhostWriter - Confession Series 2Where stories live. Discover now