FIFTH ENTRY

7 4 0
                                    

Mayladelle's POV

Lumipas ang isang linggo, nabulabog ang mundo ng Wattpad no'ng nagpakilala na si GhostWriter bilang ako. Dumagsa ang napakaraming tweets and messages sa lahat ng social media accounts niya. Natuwa at nagulat ang mga fans, mayro'n din namang nadismaya dahil akala nila isang guwapong lalaki si GhostWriter. Syempre hindi rin nagpapahuli ang mga bashers na kahit hindi ko naman talaga pag-aari ang reputation na 'to, pero nagsisimula na akong masaktan.

Umuwi muna ako sa aming bahay this week end dahil maraming nangungulit sa 'kin sa school simula noong nalaman nilang ako si GhostWriter. Ang tahimik kong mundo noon ay mukhang malabo na itong maibalik. Pagdating ko sa 'king kuwarto ay gano'n na lang ang pagkagulat ko nang biglang sumulpot si kuya author. Huminto ako sa harap niya sabay namaywang ako sa kaliwang kamay ko.

"Pati ba naman dito?"

Walang ganang tanong ko sa kanya. Na-stress na nga ako sa social media, idagdag pa ang mga fans niya sa school namin, pati ba naman dito kukulitin niya 'ko? Pagkatapos ngingiti lang siya d'yan. Sana all.

"Yup! Syempre gusto ko ring malaman kung sa'n ka nakatira."

Sabi niya habang iniikot ang kanyang paningin sa buong palikid ng silid ko. Pagkatapos noon ay naglakad siya papunta sa aking kama at ibinagsak ang kanyang sarili saka isinubsob ang pagmumukha sa malambot na unan ko. Hindi dahil nalaman niyang fan niya ako eh may karapatan na siyang magpaka-feeling d'yan.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil pagod ako galing byahe. Iniligpit ko ang dala kong bag saka kinuha ang towel at naghahanda ng aking isusuot. Lumabas ako ng kuwarto ko upang magtungo sa banyo. Hinayaan ko munang magpakasaya si GhostWriter do'n. Bahala siya sa buhay niya. Opps! Wala na pala siyang buhay.

No'ng palapit ako sa pintuan ng  banyo upang buksan ito ay biglang sumulpot na naman siya sa harapan ko. Sumandal siya sa pinto saka napa-cross arms.

"Sa'n ka pupunta miss cute? Maliligo ka ba?"

Pagtatanong niya habang nakabungisngis pa. Nag-cross din ako ng mga braso at tiningnan siya ng masama.

"Stop calling me miss cute. My name is Mayladelle."

Pagsusungit ko sa kanya. Siguro kung naging babae lang siya, I'm sure magkakasundo kami.

"Okay."

Sagot niya nang hindi pa rin umaalis sa pinto.

"Puweding tumabi ka na po?"

Gusto ko sanang dumaan na kahit nakaharang pa siya sa pinto knowing that tatagos lang naman ang katawan ko sa katawan niya, kaya lang nagdedepende naman iyon sa kanya. Pagkatapos ay tumabi siya upang makadaan ako papasok sa banya. Mabuti na lamang at masunurin siya minsan. Bago ko tuluyang binuksan ang pinto, humarap muna ako sa kanya.

"Subukan mo lang sumulpot na naman sa loob ng banyo habang naliligo ako, sasabuyan talaga kita ng holy water. Mark my word, stupid ghost."

Pagbabanta ko sa kanya. No'ng lumapas ako ng banyo matapos maligo ay nando'n pa rin siya at nakasandal sa tabi ng pintuan. Hnggang sa aking pagtulog, umaaligid pa rin siya. Nako naman, kailan ba niya ako patatahimikin? Akala ko ba hindi niya ako mumultuhin kapag papayag akong magpanggap bilang si GhostWriter.

"Huy!"

Sambit ko sa kanya habang nakadungaw siya sa bintana.

"My name is Carl."

Pagrereklamo niya. Oo nga pala. Nakalimutan kong nagpakilala na pala siya sa akin. Naalala kong may apointment pala ako sa linggo kasama ang mga staffs ng isa sa mga sikat na book publishing company at sabi sa akin ni kuya author, sasamahan niya raw akong makipagkita sa kanila.

@GhostWriter - Confession Series 2Where stories live. Discover now