SECOND ENTRY

19 5 0
                                    

Mayladelle's POV

Kanina pa ako may naramdamang kakaiba sa buong paligid. Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin. Saka ang ilaw, bigla na lang nagsu-switch off kanina at narinig ko pa ang tunog ng pagpitik na parang may isang tao talaga na pumindot nito.

After all, binaliwala ko na lang ang lahat. Mas mabuting kausapin ko na lang ang aking sarili para mawala ang takot ko. Hinayaan ko na lang na nakapatay ang ilaw. Baka may technology na ginagamit ang university na 'to at kapag curfew, automatic na nagsi-switch off ang ilaw. Hay nako, iwan ko lang.

Sana umuwi na lang din ako noong sinabi ng dalawang ka-roommates ko na uuwi sila this Friday. Gusto ko sanang mapag-isa upang makapag-concentrate sa pagsusulat. Tinatrabaho ko kasi ngayon ang panghuling kabanata ng kuwentong sinusulat ko at ayaw kong may disturbo. Isa pa, gusto kong nakabukas ang ilaw dahil sumasakit ang mga mata ko kakaharap sa screen ng laptop.

Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Nararamdaman kong may presensya sa aking tabi at kanina pa siya nandito. Hindi kaya totoo ang mga sabi-sabi nilang may umaaligid na multo sa dorm na 'to?

Simula noong nagsi-stay ako rito, ngayon lang ako nakaramdam ng kakaiba. Maaga kasi akong natutulog at umuuwi rin ako every Friday. First time kong magpaiwan dito mag-isa. Saka hindi rin ako naniniwala sa mga multo na 'yan. Imposible!

""Alam kong may dahilan ka pa rin kung bakit hanggang ngayon nagsusulat ka pa."

Napamulat ako no'ng may bigla na lang nagsalita sa aking tabi. Ito ay boses ng isang lalaki. No'ng lumingon ako sa kanya ay parang lahat yata ng dugo ko sa katawan humiwalay sa akin. Nagkatinginan kami saglit at mukhang nagulat rin siya dahil do'n.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw at pagkatapos magkasabay kaming napabalikwas mula sa kama. Magkaharap pa rin kami habang nakatayo ako sa tabi ng kama at siya naman do'n sa kabila.

"Sino ka! Ano'ng ginagawa mo rito!"

Natatarantang tanong ko sa kanyang. Agad akong lumapit sa bintana habang sumisigaw ako ng tulong. Shocks! Hindi ko napansing may nakapasok na palang manyak dito sa loob.

"Sandali lang Miss cute!"

Sabi niya habang halata sa gestures ng mga kamay niya na pinapakalma niya ako habang kalmado lang din ang tuno ng kanyang boses. Ngunit hindi pa rin ako tumigil sa pagsigaw ng tulong.

"Tulong may nakapasok na manyak sa room ko!"

Napakunot noo siya matapos kong isigaw 'yon.

"Teka lang, ako ba talaga ang tinutukoy mo?"

Pagtatanong niya sa akin habang tinuturo niya ang kanyang sarili. Bigla akong napikon sa tanong niya. It sounds like denial. Duh!

"Sino pa ba sa tingin mo ang tinutukoy ko!"

Galit na singhal ko sa kanyan.

"Really? Nakikita mo 'ko?"

Sabi niya habang may pagtataka sa expression ng kanyang pagmumukha.

"Ano ako, bulag!"

Pagkatapos no'n ay bigla na lang may kumatok sa pintuan kaya agad akong napatakbo papunta do'n upang buksan ito habang sinusundan ako ng tingin nitong lalaki. Pagkabukas ko ng pintuan ay dalawang security guard ang bumulaga sa akin kasama ng mga babaing estudyanting sumisilip sa likod ng mga guards mula rito sa 'kin sa loob. Marahil ay nabulabog sila noong sumisigaw ako.

"Tulungan n'yo 'ko! May nakapasok na,"

Habang hinihingal ay hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang nawala ang lalaki no'ng nilingon ko siya upang ituro sa mga security guards.

@GhostWriter - Confession Series 2Where stories live. Discover now