FOURTH ENTRY

9 5 1
                                    

Carl's POV

Matapos naming manakot sa girl's dorm ay agad akong bumalik sa mga kaibigan ko. Nasa isang abandunadong silid kami na isa rin sa mga madalas tinatambayan namin. Napakunot noo ako no'ng tinitigan nila ako ng seryuso mula ulo hanggang paa.

"Saan ka ba galing, Carl? Bakit ang tagal mong bumalik?"

Pagtatanong sa akin ni Joseph. Nagulat ako sa kanyang reaksyon. Bakit parang nagagalit siya sa akin ngayon? May nagawa ba akong masama? Nahuli lang naman ako dahil naaliw ako do'n sa cute na babae. Bigla akong napangiti noong naalala ko ang babaing 'yon.

"Mga dude, alam ni'yo bang may isang babaing nakakakita sa akin!"

Masayang balita ko sa kanilang dalawa. Habang naglalakad ako papunta rito ay sumagip sa isipan ko maari akong matulungan ng babaing 'yon upang matupad ang hangarin ko. Siguro panahon na para sabihin ko sa kanila ang tungkol sa pangarap ko at hindi talaga ang pagiging magaling sa taekwando ang tunay kong gusto. Tiyak na susuportahan nila ako.

Napangiti lang ng kunti si Ayan sa akin habang si Joseph ay nanlilisik ang mga tingin niya sa akin kaya nagsimula na akong magtaka.

"Ah gano'n ba?"

Sarkastikong sabi ni Joseph.

"Kaya ka pala natagalan dahil sa babaing 'yon. Tingnan mo nga 'yang itsura mo."

Mas lalo akong naguguluhan sa inasta ni Joseph. Ngayon ko lang naranasang tratuhin niya ako ng ganito kahit no'ng nabubuhay pa lamang kami. Ano ba'ng mayro'n sa itsura ko?

"Sandali nga lang, dude. H'wag mong sabihing nagsiselos ka. Are you a gay?*

Pagbibirong sabi ko sa kanya habang natatawa pa ako.

"Buwisit ka talaga!"

Matapos niyang sabihin iyon ay agad niya akong tinalikuran at lumabas mula sa silid na 'to.

"H'wag kang mag-alala, kakausapin ko siya."

Sabi ni Ayan kasabay no'n ang pagtapik niya sa aking balikat. Pagkatapos ay lumabas din si Ayan upang sundan si Joseph. Kaya naiwan akong nakatulala at naguguluhan sa lahat ng nangyayari.

Habang nasa aking likuran ang bintana ay nakaramdam ako ng malakas na hangin dahil sa pagaspas ng mga pakpak niya. Napabuntong hininga ako saka humarap sa bintana upang tingnan siya. Bumungad sa akin ang isang lalaking nakasuot ng kulay de gatas na pulo na may itim na t-shirt sa ilalim. Sa kanyang ibaba naman ay kulay itim na pantalon at sapatos hahang itim din ang kulay ng suot niyang gloves kalakip ng kanyang makikintab na pakpak. Kahit kulay itim man ito ay napakaganda pa rin nitong tingnan. Sa totoo lang, may parte sa kalooban ko na gusto ko ring magkaroon ng pakpak na kagaya no'ng sa kanya.

"Magandang gabi sa 'yo, kaibigan."

Pagbati niya sa akin kasabay ng pag-apak niya sa sahig. Palaging nasa kalmadong tuno lang ang kanyang boses Siya si Kai, ang kaibigan kong isang fallen angel. Minsan nakakatulong siya sa aming mga multo at may mga pagkakataon ding pinapalala niya naman ang sitwasiyon. Ang sabi niya sa akin, pareho niya raw ginagawa ang kasamaan at kabutihan basta ang mahalaga sa kanya ay maaaliw siya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya ibinagsak dito sa lupa.

Agad naglaho ang kanyang pakpak no'ng pagkaapak niya sa sahig. Naglakad siya papuntang umupuan kung saan madalas umuupo si Anthony noon saka mupo siya nang naka-number four. Kagaya nina Joseph at Ayan kanina ay tinitigan din niya ako mula ulo hanggang paa.

"Well, look at you now."

Napakunot noo na naman ako. Ano ba'ng trip ng mga gagong 'to? Ano ba'ng problema nila sa itsura ko ngayon?

@GhostWriter - Confession Series 2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum