FIRST ENTRY

12 5 0
                                    

Carl's POV

Isa ako sa mga multong hindi matahimik sa loob ng university na 'to. Hindi kagaya ni Anthony, kaya naming magpagalagala sa labas ng paaralan kung nabu-bored kami rito sa loob. Trabaho naming manakot ng mga estudyanting matatakutin. Lumalakas kasi kaming mga multo at sumisigla sa pamamagitan ng emusyon at takot nila.

Hindi naman ako nababagot sa pagiging isang multo, basta kasama ko lang ang mga katrupa ko, ayos na ako. Hindi ko rin maintindihan ang sayang nararamdaman ko sa tuwing may natatakot kaming estudyante. Pero mas masaya pa rin no'ng mga panahong isang dean na mukhang pera kahit mayaman na, masungit at maarte ang tinakot namin.

Sa totoo lang, wala kaming kakayahang sapian ang mga buhay na tao o patayin sila. Puwera na lang kong nakumbinsi kami ng mala sales talk magsalita na mga demunyo at makipagkasundo sa kanila. Well, interesting nga silang pakinggan para sa aming mga multo lalo na kung mayro'n kaming pagsisisi bago namatay.

Madalas kasing nakukumbinsi ng demunyo ay 'yong mga kaluluwang punong-puno ng galit at gustong maghigante. Pero syempre, hindi na kami makakapunta sa langit kung papayag kami sa alok at kademunyuhan ng mga demunyo.

Actually, may mga regrets din naman ako. Simula noong namatay ako, na-realize ko na dapat sana ginawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin noon na hindi ko na maaring gawin ngayon.

Nakaupo ako sa harap ng screen ng computer habang binibisita ko ang aking Wattpad account. Simula noong umalis si Anthony rito, hindi na rin ako nakapag-update sa latest na kuwentong isinusulat ko sa Wattpad.

Hindi ko alam kung alam ba ng mga kaibigan ko ang tungkol sa pagsusulat ko ng kuwento sa online. Wala rin kasi akong binanggit sa kanila tungkol dito. Alam ko ring nagsusulat si Anthony ng kanyang confession dahil may isang pagkakataong sinilip ko ang screen ng computer kung saan siya nakaupo at busy sa pagtitipa.

Isa akong sikat na manunulat sa Wattpad. Maraming nag-aabang sa bawat kuwentong ginagawa ko. Marami na ring nagmi-message sa aking mga book publishing company at inaalok akong gawing isang hard copy ang mga kuwentong isinulat ko.

Ngunit hindi ko pinansin ang lahat ng 'yon. Ang mga mambabasa ko, umaasa pa rin hanggang ngayon sa pagbunyag ng tunay kong pagkatao. Mahigit 1.5M na rin ang mga followers ko at ni isa, wala akong pinansin sa kanila.

Hindi sa hindi ko sila pinapahalagahan. Subra akong nagpapasalamat sa supurta at pagmamahal na ibinibigay nila sa akin, ngunit ayaw kong mas ma-attach sila sa akin.

Ayaw ko silang makausap dahil nagi-guilty ako. Paano ko sasabihin sa kanila na magkaiba ang mundong ginagalawan namin? May malaking kasalanan ako sa kanila. Pakiramdam ko nagsisinungaling ako sa lahat.

Sa totoo lang, matagal ko nang pangarap ang makitang maging physical copy ang isa man lang sa mga kuwentong sinulat ko. Kaya lang kailangan ko ring tanggapin na hindi na maaari ang bagay na 'yon. Ang mahalaga sa ngayon ay maraming tumatangkilik sa mga gawa ko.

No'ng nagsisimula pa lamang ako sa pagsusulat, pinangarap ko ang milyon-milyong reads at maraming followers. Ngayong naabot ko na ito, gusto ko na namang maranasan ang pakiramdam ng nagbu-book signing.

No'ng natapos ko na ang isang kabanata na sinulat ko at binasa ulit ito ay agad ko nang pin-ublish. Lumipas ang limang minuto ay patuloy pa rin sa pag-angat ang numbers of reads, dumadagsa na rin ang votes at comments.

Napakasayang tingnan. Hindi nila alam kung gaano ako lubos na nagpapasalamat sa kanila. Kahit matagal akong hindi nakapag-update, naghintay pa rin sila ng matagal. Sa panaginip na lang mangyayari ang mga pangarap ko.

Shit! Hindi naman pala ako natutulog. Pa'no ako mananaginip nito? Kaasar! Kahit pala managinip, wala pa rin akong pag-asa. Mas mabuting h'wag ko na lang isipin ang mga bagay na 'yon.

@GhostWriter - Confession Series 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz