NINTH ENTRY

23 1 0
                                    

May's POV

Simula ng gabing 'yon hindi na nagpakita si Carl sa 'kin. Walang araw at gabi na hindi ko siya hinintay. Nalulungkot ako. Baka sumama ang loob niya noong binanggit ko ang tungkol kay Misaki. Marahil parte nga iyon ng buo niyang pagkatao noong nabubuhay pa lamang siya. Gusto kong malaman ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay upang mas makilala ko pa sana siya. Pero dapat sana inintindi ko muna na minsan may mga bagay o karanasan talagang hindi kaya ng isang tao na ibahagi ito sa iba.

Gusto kong magpakita siya sa 'kin para man lang makapag-sorry ako. Kaya lang, pinuntahan ko na ang mga lugar kung saan kami magkasama o saan madalas ko siyang nakikita, pero wala siya doon. Hindi ko na rin alam kung ano'ng gagawin ko sa wattpad account niya o iba pang social media accounts niya dahil hindi na rin niya ito binubuksan. Noon kasing mga araw na madalas pa kaming magkasama, palagi siyang active sa kanyang mga accounts lalo na sa Wattpad.

Marami na akong natatanggap na private messages, comments at mga messages sa kanyang wall galing sa mga demanding niyang readers. Ako lahat ang nakakatanggap no'n. Gusto nilang mag-update na si Carl sa iba pa niyang mga stories. Hindi ko na lang sila sinasagot total iyon naman palagi ang kanyang ginagawa. Hindi rin naman siya nagre-respond sa mga readers niya. Minsan ko na ring nahusgahan siya noong hindi ko pa siya nakilala. Akala ko snob siyang tao, pero may dahilan pala ang lahat.

Ayaw niyang makipag communicate sa kanyang mga readers dahil alam niyang balang araw ay iiwan niya rin ang lahat. Nakakalungkot. Nalulungkot ako para sa kanya. Nasa kanya man ang pangarap kong maging kilalang manunulat, ngunit alam kong hindi rin naging madali ito para sa kanya. Kung nabubuhay lang sana siya, natitiyak kung matagal na niyang naabot ang kanyang mga pangarap.

Hindi ko maiwasang hindi maikukumpara ang sarili ko kay Carl. Nagsisikap pa rin si Carl na abutin ang kanyang mga pangarap kahit pa hindi na siya nabubuhay. Samantalang ako patuloy man sa paghinga ngunit wala man lang ginawa. Nananaig pa rin ang takot dito sa puso ko, na baka husgahan ako ng mga tao at hindi nila magustuhang ang mga gawa ko. Hindi pa ako handa. Pero sana balang araw maging matapang ako kagaya ni Carl.

Napabuntong hininga ako sa pag-iisip habang nakasunod sa likuran nina Cora at Kai, bitbit ang isa sa mga bagahe nang nakasimangot. I am definitely not in the mood right now.  Ang daming gumugulo sa utak ko. Saan ko kaya mahahanap si Carl? Gusto ko na talaga siyang makita.

Ngayon na ang alis ni Kai sa paaralan na 'to. Tinulungan namin siya ni Cora na dalhin ang kanyang mga gamit papuntang gate. Napatitig ako sa likod ni Kai habang katabi niya si Cora sa paglalakad. Agad na naman pumasok sa isip ko ang tungkol do'n kay Anthony at Misaki. Alam kong may alam si Kai. Nasisiguro ko 'yon. Kahit na sumama pa ang loob ni Carl sa akin, hindi pa rin ako matatahimik hanggat hindi ko malalaman ang totoo.

Noong narating namin ang gate nandoon na rin nakaabang ang sasakyan na magsusundo ni Kai. We placed these luggages of Kai's belongings, then a man dressed in formal attire probably a butler stepped out of the car. He first took the two suitcases and placed them in the compartment at the back of the car.

Kahit magkasama kami ni Kai sa dorm, hindi ko pa rin siya lubusang kilala. Hindi ko rin kailan man nakita ang mga magulang niya o tanungin man lang si Kai kung ano'ng mga pangalan nila. Gaano kaya kayaman ang pamilya niya? Sana makapunta man lang kami ni Cora sa bahay nila. Saka ayaw din niyang pag-usapan kung bakit siya aalis sa school na 'to at saan school siya lilipat. Napaka-secretive niyang tao at misteryosa.

"OMG I forgot my wallet!" Gulat na sabi ni Corazon habang napatakip siya sa dalawang palad niya sa kanyang bibig. May plano kasi kaming kumain sa labas pagkatapos naming tulungan si Kai.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

@GhostWriter - Confession Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon