Chapter 35: Truth Hurts

53 1 0
                                    

3rd Person's POV

Dahil sa curiousity ni Paolo ay napag desisyunan niyang sundan si Kevin. Nasa isang malapit na fastfood chain siya para kitang kita niya kung nakalabas na ba si Kevin.

Habang si Kyla ay nag hahanap sa kanya dahil napag desisyunan niya rin na sabihin na niya kay Paolo ang about sa baby nila. Buti at naabutan niya si Myro sa classroom nila.. Kayat tinanong niya yun.

"Myro nakita mo ba kung saan si Paolo?" Tanong ni Kyla dito.

"Uh. Oo sabi niya nasa starbucks siya, yung malapit sa school" Sabi ng binata sakanya. Nag pasalamat naman siya at nag madaling bumaba para maabutan si Paolo..

Pag dating niya sa labas ay nakita niyang pasakay na ito ng sasakyan ng binata. Pero nag tataka siya kung bakit hindi yung sasakyan niya ang gamit niya pero hindi naman niya iyon pinansin pa, pumara na siya ng taxi at pinasundan niya ang sasakyan ng binata. Nag tataka siya kung saan papunta ang binata gayung hindi naman iyon ang daan patungo sa condo o sa bahay nila..

Di naman nag tagal ay nakarating na sila. Medyo malayo naman ang binabaan niya para di siya makita ni Paolo. Binayaran niya ang taxi at lumabas na.

Kyla's POV

Ano kayang ginagawa dito ni Paolo? Ibang condo ito ah? Nakita ko siyang pumasok na kaya nag mamadali akong sumunod. Sumakay na siya ng elevator pero sinilip ko muna ano yung pinidot niya. 8th floor. Pinauna ko na siya. Nang makapasok na siya ay saka ako sumakay na din.

1⬆

2⬆

3⬆

4⬆

5⬆

6⬆

7⬆

Andito na din, pag bukas na pag bukas nung elevator sumilip muna ako kung nasaan siya, ayun papunta sa dulo. Nakita ko namang huminto siya at parang nag tatago din kaya nag tago rin. Maya maya pa ay nakita ko si Kevin. Si Kevin ba ang sinusundan ni Paolo? Naguguluhan na ako talaga!

Nakita kong bumukas ang pinto nung katapat ni Kevin, at lumabas ang napakagandang dalaga. Ang ganda naman niya pero familiar siya e. Saan ko nga ba nakita yan? Nagulat nalang ako nang sumigaw yung babae. Paano nasa sahug na si Kevin dahil sinuntok ito ni Paolo pero nagulat ako sa sinabi niya. .

"How could you f*cking do this to me?! Ikaw Samantha, Bestfriend kita! I waited for as I promised and you promised me too. At Ikaw gago ka, kaibigan kita pero linoko mo ko pinoko niyo ako!!" Kaya pala Siya pala si Samantha. Yung nakita ko one time na sinearch ni Paolo. Tapos sinuntok muli ni Paolo si Kevin and this time umawat na ako.

'Paolo s-stop please halika na!" Sabi ko na naiiyak na. Tumingin siya saakin at tumayo.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw niya at kahit nasasaktan na ako ay pilit ko siyang hilain papasok ng elevator.

"What do you think youre doing ha?" Tanong ko.

"BAKIT MO BA AKO PINIGILAN? PAPATAYIN KO ANG GAGO NA YUN!!" sabi niya.

"Wag kang mag padala sa galit mo Paolo!" Sabi ko pero imbes na tumigi sinigawan niya pa ako

"ANO BANG PAKIALAM MO HA? ANONG MAGAGAWA KO LINOKO AKO NG BABAENG MAHAL KO!!" napaluha na ako ng tuluyan. Sige lang lubusin mo lang ang saktan ang sarili mo Kyla.

"M-mahal mo pa ba siya?" tanong ko kahit sinabi na niya. Nagulat pa siya pero sinagot naman nya ang tanong ko.

"Narinig mo na kanina" Mahinang sabi niya. Parang nanghihina ako, ang lambot na ng tuhod ko at parang matutumba na ako.

"S-so ang ibig sabihin ba nun, tapos na kung anong meron tayo? A-anjan na s-si S-samantha diba?" huminto ako pero nag patuloy akong muli

"S-Salamat pa din kung ganun. Atleast nag karoon ako ng chance na makasama ka kahit rebound lang. Alam mo bang umasa ako nung sinabihan mo ako ng Iloveyou nung gabing lasing ka pero napag isip ko lasing ka lang naman talaga siguro nga e Si Samantha ang nakikita mo saakin sa mga panahong yun. Pero dahil mahal kita okay lang kahit siya ang makita mo saakin. A-ano ba yan ang drama na. S-so is the end? Wag kang magiging malungkot sana maging masaya ka palage. " Hinawakan ko muna yung pisngi niya. Tamang tama ang pag bukas nung elevator e pinunasan ko na ang luha ko atsaka lumakad na. Habang nag lalakad ako papalayo sakanya ay hinahawakan ko ang tiyan ko.
Baby hold on tight, andito pa si mommy

Yan nalang ang sabi ko at alam ko na kung saan pupunta..

**
Nagkaalaman na guys. Hoho. Thanks sa Support guys. :*

UNTIL WHEN  [COMPLETED]Where stories live. Discover now