Chapter 38: Avoiding him

56 0 0
                                    

Kyla's POV

Kahit ayaw kong pumasok e kailangan na kailangan dahil gagraduate na kami. Nasa cafeteria ako ngayon kasama si Shina. Libre niya daw kasi e.

"Girl, alam mo bang nung nag bar kami nakita namin si Paolo may kasamang babae pati na yung mga kaibigan niyang babaero din, Dapat yalagang nakipag break ka doon" Sabi ni Shina, oo alam na din nya pero di niya alam na buntis ako. At sa totoo lang nasasaktan ako sa sinabi niya. Baka nga ginusto din yun ni Paolo. Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap nang may pumasok sa cafeteria na sanhi ng pandidilim ng mata ko. Oo si Paolo nga at ang dalaqa niyang kasama maliban kay Kevin. Di ko na din alam ang problema nun. Nagulat ako nang lumapit sila saamin.

"Pwede bang makishare ng table?" Tanong ni Paolo. Ang kapal naman mag panggap na parang walang nangyare nung isang araw. Nag kitinginan kami walang gustong umurong natinag lang kami nung mag salita si Shina.

"You may now sit here kami nalang ang aalis, hmp. Halika na nga lumayo na tayo sa mga demonyo" Saka niya ako hinila.

Pagkatapos nung klase dumaan muna ako sa rooftop. Naalala ko na naman yung surprise niya saakin. Napaluha na naman ako. Hay Kyla, kailan ka ba hihinto sa kakaiyak ha?

Umupo ako sa may bench nabigla ako nang may umupo sa tabi ko. Sino pa ba, si Paolo.

"Bat ka andito?" Tanong ko.

"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?" Tanong niya din. Pilosipo. Bigla ko natandaan yung necklace, kaya kinuha ko yun sa bag ko.

"This is not mine anymore, keep it. Binibigay mo yan dapat sa babaeng mahal mo" Napatingin naman siya saakin saka sa hawak ko. Kinuha ko nalang ang kamay niya at linagay ang necklace doon. Tumayo na ako pero bago ako tuluyang lumabas may sinabi ako

"Salamat sa pag papahiram niyan" Sabi ko na sapat na para marinig niya.

At tuluyan ng lumabas..

UNTIL WHEN  [COMPLETED]Where stories live. Discover now