Chapter 40: New beginning

84 1 0
                                    

5 years after~

Kyla's POV

"Hello, ma. Bakit po kayo napatawag? Nasa Resto pa po ako" Sabi ko nang kausap ko si mama  Through phone.

"Ah ganon ba anak? Pasensya kana namimiss ka lang namin, gusto lang namin itanong kung kailan ka uuwi dito' Sabi ni mama.

"Mama, soon po. Tsaka di ko po basta basta maiwan ang resto" Sabi ko

"Alam namin yun. Osige anak tatawagan ka nalang namin ulit. Pakikamusta mo nalang kami kay Paula ah?" Sabi ni mama

"Opo ma. Bye" Sabi ko tsaka ibinaba ang phone at nag trabaho na uli.

Hay its been 5 years simula nung manirahan ako dito sa Davao I mean kami ng anak kong si Paula. Oo Paula Patricia Ferrer. Kahit di kilala ni Paolo si Paula ay apelyedo niya pa din ang ginamit ng anak ko. Tatay niya pa din yun kahit ano mangyare.

Simula nga pala nang lumipat ako dito ay di ko na nadalaw pa muli ang maynila. Sila mama ang bumibisita saamin dito.  Nag aral nga pala ako ng culinary pero nag stop ako ng 1 year para kay Paula. Nung makatapos ako ng culinary nag apply ako sa isang malaking Hotel and Restaurant and natanggap ako, nung naka ipon ako kahit papaano ay tumulong ako kay tita Sunshine para naman makaganti sa pag papatira niya saakin tapos nag pagawa ako ng sarili kong Resto at ito na ito, ipinangalan ko kay Paula ang resto na ito na Paula's Resto dahil nang mga panahong pinaghirapan ko ito ay siya ang inspirasyon ko. Bumalik ako sa realidad nang tinawag ako ni Mond isa sa naging matalik kong kaibigan.

"Ms. Kyla tulala ka na naman jan!" Sabi niya. Napatawa ako doon.

"Mr. Raymond. Bakit na naman?" Tanong ko.

"Madami tayong customer nakatulala  ka lang jan. Haha" Sabi niya.

"Excuse me Mond, sa akin kaya tong Resto kaya gagawin ko kung anong gusto ko. Hmm." Sabi ko.

"Oo na po maam Kyla. Nga pala dinner tayo mamayang gabi treat ko" Sabi niya. Tumawa naman ako.

"Hoy hoy. Hahanapin ako ng anak ko" Sabi ko.

"Edi isama natin siya. Maganda yun Family date" Sabay taas baba pa ng kilay.

"Baliw! Haha. Mapapayag mo ba yun?" Tanong ko naman. Nag papasalamat ako kay Mond dahil bukod kay Tita Sunshine siya lang yung andiyan para saakin. Nakilala ko siya dahil nag culinary din siya kaya nag close friends kami. Parang siya na nga ang tumatayong tatay ni Paula e.

"O ano? Silence means yes. Haha sige na mag tatrabaho nako." Sabi niya saka umalis. Siya ang manager ng resto ko, may naipon naman siya pero ayaw niyang gumawa ng sarili sabi niya magiging mahanda daw kung parners kami sa trabaho. Baliw talaga. Ewan ko ba jan bat di pa nag gi-girlfriend e ang gwapo naman, mayaman, Mabait, Gentleman,Boyfriend material kung baga. Hayss. :) Nag trabaho nalang ako uli.

--

Pag uwi ko ng bahay sumalubong kaagad saakin ang cute na cute kong angel.. Si Paula..

"GoodEvening my angel" Bati ko at lumuhod Yinakap niya naman ako at hinalik halikan. Ang sweet. =)

"Ang sweet naman ng baby ko" Sabi ko ulit.

"Mommy look po oh. I got 3 stars from my teacher" Oagmamayabang niya saakin. At oo nag aaral na siya, she is now kindergarten dahil 5 years old na siya.

"Wow!! Very good!! At dahil jan--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pumasok si Mond.

"Dahil jan mamasyal tayo!" Sabi ni Mond, napatingin naman siya kay Mond at tumakbo papalapit doon.

"Really tito Mond? Yehey!!!!" Sabi niya at niyakap pa si Mond. Napangiti nalang ako

"Uhuh! " Sabi ni Mond sabay tango pa.

"Yey! Mommy mommy lets get dress! C'mmon! " Sabi niya pa. Napatawa nalang ako at sinesyasan si Mond na maupo muna.

Nung paakyat na kami nasalubong namin si Tita Sunshine.

"Oh. Baby where are you going?" Tanong niya

"Were going out po!" Sagot naman ng anak ko. Nung makabihis na kami ay bumaba na kami, nadatnan naman namin nagtatawanan sina tita at Mond. Close din naman sila dalawa e.

Nung makita niya kami ay tumayo siya at nag paalam kina tita at ganon din ako. Matapos ay umalis na kami.

**
Sorry late update guys. Nag attend pa ng Family day e. :) Nga pala malapit ko nang iupdate yung bagong story ko at sana support niyo din. :D Happy 700+ reads. Thankss

UNTIL WHEN  [COMPLETED]Where stories live. Discover now