Chapter 14

13.8K 180 4
                                    

Sorry kung natagalan. Hindi naman sana ganito katagal ang bawat UD. Kaso may module eh.

May nagbabasa pa ba diyan? Mag-ingay naman kayo.

Enjoy reading
......






KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Gayon nalang ang aking pagkagulat nang makita ko si Fidel na nakayakap na pala sa akin habang nakapikit ang mga mata.









Gigisingin ko na sana siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko mapigilang suriin ang mukha niya habang natutulog, mahina siyang humihilik habang nakaawang ang labi.










Those thin red lips. It's tempting me to kiss it. He's such a temptation.









"Staring is bad, Love. Do you know that?" Nagulantang ako nang marinig ko ang boses niya. Paos ito at halatang kakagising palang. Bahagya akong lumayo sa kanya at kinolekta ang sarili ko. "Where's my good morning kiss, Love?"










Ano ba, Fidel! Huwag kang pasweet sa umaga. Lalanggamin tayo niyan, eh. Nako naman lord. Kung ganito lang naman ka gwapo and makakatabi ko sa pagtulog, pwedeng huwag mo nang pasikatin ang araw para lagi kaming magkatabi?









"I still haven't brush my teeth. Bad breath pa ako." Naiilang na sagot ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Bigla akong kinabahan dahil ilang pulgada nalang at magdudugtong na ang mga labi namin.









"It's ok. Kahit naman bagong gising ka ay mabango parin naman ang hininga mo. At tsaka kahit bad breath ka walang makakapigil sa akin na halikan ka.









Pakiramdam ko ay pulang-pula na ng mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang init pisnge ko at gusto ko nalang na ibaon ang mukha ko sa unan at magsisisigaw.









Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin. It was just a smack kiss but its made my mood good.









"Good morning, Love." Malambing niyang bati.








"Good morning din, Fidel." Tugon ko. Sa halip na ngumiti siya ay sumimangot pa ito.









"Once in the blue mo lang akong tawaging love. Feeling ko tuloy napipilitan kalang na sagutin ako, dahil hindi mo parin ako tinatawag sa endearment natin." Nagtatampo niyang sabi. Mahina akong natawa at ako naman ang humalik sa labi niya.










"Good morning, Love." Bumaba ako sa kama at hinila siya patayo at nagpati-anod naman siya. "Hintayin mo ako magto-tooth brush at maghihilamos lang ako para sabay na tayong bumaba."









Kinindatan ko siya at mabilis na pumasok sa banyo. Mabilis akong nag-tooth brush at naglinis ng mukha. Pagbaba namin ni Fidel ay nakahanda na sa hapag ang mga pagkain. Matalim ang tingin ni Papa sa kanya kaya atomatik kong pinisil ang kamay niya ngunit ningitian niya lang ako.










"Pa, I'll take Faye on a date, ok lang ba?" Magalang niyang tanong nang mag-umpisa na kaming kumain. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.











Hindi ba't may trabaho siya ngayon? May trabaho kami ngayon kaya bakit niya ako ipinagpaalam sa Papa ko? Pwede namang sa weekend nalang para hindi ko na kailangang mag-absent.










Ano na naman kayang kalokohan ang iniisip ng lalaking to?









"Bakit ka nagtatanong, aber?" Tumikhim si Papa at sumeryoso ang kanyang tingin.









HARD AND RUTHLESS Where stories live. Discover now