Chapter 24

20.9K 235 103
                                    


"DON'T tell me, you're assuming that I'm asking you for something nasty? Hindi ako hayok tulad mo! Don't get me wrong, Sir. I'm just humbly telling the truth." I smiled. Pinigilan ko ang inis ko kahit gusto nang sumabog ng ulo ko sa galit.

That was unprofessional of him. It's working hours at nasa opisina niya kami, tapos ganyan siya umasta? Sana ok lang siya, baka may sayad na siya.

"My bad." He chuckled. "Don't take my words seriously, Miss Guzman. Baka maaga kang tumanda niyan." He scoffed. Dinilatan ko siya ng mata at astang aalis na sana. "Aalis kana? Anyways, my secretary will guide and introduce you to your team. Enjoy working." He grimaced.

The way he smile at me, I smell something worrisome. Parang may kung ano siyang binabalak na hindi ko alam. Ayaw kong mag-isip ng masama ngunit kusa ko kasi itong nararamdaman.

What are you scheming, Fidel?

Gaya ng sinabi ni Fidel ay nakaabang na nga ang secretary niya sa labas ng opisina niya. Tahimik lang ako habang sinusundan ang secretary niya. His secretary inform me about the nature of the work including the work ethics, na hindi naman kailangan dahil matagal ko narin naman 'yong alam. What I find funny is that, the CEO himself doesn't apply the work ethics and behavior inside the company. Para sa mga empleyado lang ba 'yon?

One of it kasi is 'No Flirting: and 'Dating during working hours'. Ang saklap naman kung ang mismong CEO pa ang unang lalabag hindi ba?

I shook my head and smile unbelievably.

"Good morning everyone!" Malakas na bati ng secretary ni Fidel nang pumasok kami sa isang opisina. "This is Miss Freya Guzman, and starting today she'll be working on your team. I hope you welcome her with open arms." She added. Saglit pa siyang nanatili sa loob habang pinapaliwanag sa akin kung saan qko pupwesto at kung ano-ano ang mga gagawin namin.

Medyo naninibago ako dahil mas na indulge ang aking sarili sa modeling at hindi sa field na ito, pero alam kong kaya ko naman. Hindi naman nawala sa akin ang mga natutunan at mga kaalaman ko dati, but I really need to work together with my team para sa gano'n ay hindi ako ma left behind.

"Welcome to the team, Architect Guzman!" Bati ng babaeng katabi ko, medyo kinikilig pa. "I'm looking forward to work with you."

"Same here! Ikaw ba 'yong sikat na model? International model kamo?" Sabay sabay na ani ng mga kasama ko. Tumango lang ako habang pinapaulanan nila ako ng tanong. May nakakakilala pala sa akin dito, akala ko wala.

I can't help but to smile at them. Mabuti nalang at welcoming sila... Kaso parang ang kukulit.

"Thank you everyone. I'm looking forward on working with you all. I'm under your care so kayo nang bahala sa akin." Pabiro kong tugon at ayon na nga nagkatuwaan na kami.

WHEN the lunch time come ay sabay kaming kumain ng mga ka-team ko. Tumawag pala ang manager ko kanina para e inform ako na may photoshoot kaming gaganapin 2 week from now. Hindi nga niya alam na nagtratrabaho ako ngayon sa kompanya ng pinsan niya, ano nalang kaya ang sasabihin at magiging reaction niya pag malaman niya?

"May boyfriend kana ba?" Tanong nang lalaki kong kasama. Actually, parang hindi pa sila matagal dito. Wala na kasi akong kilala sa kanila, yong dati ko raw kasamahan dito ay na transfer na abroad.

"Wala." I smiled. "But I'm not ready to enter in a relationship."

He nodded and smile.

"Sayang." He smirked.

Tinaasan ko siya ng kilay at dinilatan siya.

"What do you mean?"

He chuckled and answer, "nothing. Anyways, ang ganda mo."

"Tsk! Matagal ko nang alam." Natatawa kong tugon.

"Boom!" Mahina niyang tawa. "Hirap mo palang pakiligin."

"Hindi kasi yan uso sa akin. Try mo nalang sa iba." Tinakip ko pa ang balikat na tinanguan niya lang habang tumatawa.

"Try this one, Freya." Aya sa akin ni Johanna, isa sa mga kasama ko. Inabot niya sa akin ang buttered shrimp. I murmured thank you to her. "Anyways, ang ganda ng girlfriend ni Sir Sandoval no? Famous model, ang ganda ng katawan."

"Sinabi mo pa. Sarap siguro maging girlfriend non." Wika naman ni Jomar.

Parang nawala ang gana ko sa pagkain ng pag-usapan nila si Fidel at ang rumoured girlfriend niya. Is not that I'm affected, pero hindi ko lang gustong marinig qng pag-uusap nila.

Buong lunch ay hindi ko magawang ngumiti. Nawala talaga ang mood ko. I gritted my teeth and excuse myself to go to the comfort room. Mag re-retouch lang ako sandali para maging presentabling tignan.

Mariin kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin. I was happy... I know, but something seems not right? I'm not affected already. Matagal nang wala, eh! I swear to God na wala na talaga, pero bakit ang bigat sa loob habang pinagpepyestahan silang dalawa ng rumoured girlfriend niya?

I shouldn't have feel this way... It's a mistake. A very big mistake!

"You always look gorgeous as usual, Angel. No doubt kung bakit patay na patay sa'yo si Kairus. You're like a unique and rare gem that hard to find in the vast world full of stone." I overheard the voice of lady approaching the comfort room.

"Don't say that, Marielle." Mahinhin na sagot ng kausap nito. Nanlaki ang aking mata nang makita ko kung sino ang pumasok sa Comfort room. It's was Angel... Fidel's rumoured girlfriend. She's so famous and I can tell that I know the reason why.

But, Hey! I'm also famous... An international actress and model. Di hamak na mas maganda ako sa kanya. Mas payat nga siya sa akin, pero mas sexy akong tignan. No offense... I'm better than her.

Hindi ko alam na bumaba na pala ang standard ni Fidel pagdating sa babae. Totoong maganda siya at kilala, pero sa pilipinas lang.

"Duh! Don't be so humble, Angel. Maraming mapagsamantala diyan sa paligid, show some pride and power." Kinindatan siya ng kausap niyang babae.

"I don't need that, Marielle. I shine without using power at tsaka mas mabuti nang makita ng lahat ang good side ko kaysa sa bad side." Angel respond.

"Yeah, right! Kaya ka nga mas minahal ka ni Kairus, eh! Bagay na bagay talaga kayo!" Marielle said in harmony.

Umasim ang mukha ko habang nakikinig sa kanila. I don't intend to eavesdrop but it's not my fault that their voice are so loud and clear.

"Well, we're in the same page naman. Siguro we are meant to be each other!" Kinikilig na ani ni Angel. Hindi na ako nakatiis at lumabas na ako ng comfort room.

"Meant to be each other? Mukha mo! Ang OA at ang aarte niyo!" Naiinis na bulong ko sa hangin habang padabog na bumalik sa mga kasama ko.

To be continue...

HARD AND RUTHLESS Where stories live. Discover now