Talagang puspusan na ang pagpapractice namin para sa magiging Christmas Program sa Wednesday. Last day na rin sa school before Christmas break. Malaki ang magiging grado namin kapag maganda ang nagperform namin kaya talagang maganda ang aming performance.
Not that I really care about my grades. I enjoy performing. That's it.
"Do you want me to hold your shoulders? Para hindi ka maalangan tulad kanina?" Tinanguan ko lang si Peter pagkatapos ng part namin kanina.
Peter is nice and thoughtful kaya komportable na ako sa kaniya kapag part na namin. Madalas namin pag-usapan o kaya ayusin ang part na medyo mahihirapan kaming dalawa.
"Like this?" Pagtatry namin ng ayos. Umayos ako at medyo inasog ang sarili para mas maganda ang pwesto.
"Medyo maluwag dapat, baka magmukhang pinipigilan mo akong mahulog" sabi ko na ikinatawa niya at tumango.
Sa halos buong linggo na iyon ay after class ang aming klase. Madalas din kasi magpalit ng steps ang leader namin. Lalo na kapag nakikita niyang hindi lahat ay nakakasabay.
Kumuha ako ng dalawang extrang water bottle para kay Adi at Nate. Nagtungo kami ni Peter para panoorin ang practice nila. Mumunti ko pang ginagaya ang mga paggalaw nila. Their song is an orchestra like. Ang alam ko ang may magpeperform talagang orchestra sa kanila. Hindi talaga tinipid itong budget para sa performance namin.
Kasabay kong napa-awang ang labi ang ibang estudyante nang gawin ni Nate ang kaniyang parte kung saan bubuhatin siya ng isa at para siyang ililipad kuno. And he continued dancing with the other members smoothly. Napapalakpak pa ako doon.
"Clane is a great dancer huh" komento ng katabi ko.
"Baka nga macho dancer lang 'yan paglaki eh" pagbibiro ko na ikinatawa niya.
"Malay mo sa'yo lang sumaway 'yan kapag gabi" aniya na ikinalingon ko sa kaniya.
"Sayaw saan?"
He smirked. " I don't know. In bed?" Nanlaki ang mata ko at hinampas siya.
"Bakit naman sa kama?" Natatawa kong sabi.
"Oh, hindi ba kayo?"
"No" sabi ko na para bang isang kalokohan ang sinasabi niya.
Marami ring nag-aakalang kami ni Nate. Hindi ko rin sila masisisi dahil napakalandi ni Nate! Dikit nang dikit sa akin tapos akala mo jowa ko kung maka-asta. Eh hindi naman.
Napabuntong hininga si Peter at nailing sa akin. Sumulyap siya sa harap kaya naman lumingon ako roon. Nakatayo na sa harap ko si Nate.
"Mauna na ako, Paige" paalam ni Peter na ikinatango ko lang. Ibinigay ko naman kay Nate ang tubig niya at hinatak siya kung saan nakapwesto si Adi.
"I need sugar! Tara sa café niyo mamaya, Clane!" Bungad ng kapatid ko na pagod na pagod na humilata sa bleachers. Pinalo ko naman ang hita niya at hinatak patayo. Tamad lang siyang umirap at umupo nang maayos.
"Ang dumi dyan, Adi!"
Bumalik naman ako sa tabi ni Nate at nang akmang yayakap ito ay tinulak ko agad ang mukha nito.
"Malagkit, jusko!" Reklamo ko na ikinasimangot lang niya st nagpunas ng mukha at leeg gamit ang malinis na bimpo.
"Napakaarte mo, kala mo malinis"
Nalaglag ang panga ko sa pagtataray niya. "May dalaw ka ba ngayon?"
Sinamaan niya lang ulit ako ng tingin. May sinasabi si Adi kaya bumaling ako dito.
"She was like the worst! Then she even..."
"Ayaw magpayakap pero gustong-gustong nagpapayakap sa kapartner" narinig kong bulong ni Nate kaya nabaling dito ang atensyon ko. Kunot noo ko itong tinignan at siya naman ay patuloy pa rin ang pagbulong.
BINABASA MO ANG
Taking over the Storm (AS#3) [completed]
RomanceApril 16, 2021 - July 14, 2021 Can Vivian Paige Riguella seduce again? Ano pa nga ba ang masasabi sa isang Riguella? Talino, ganda, at kapangyarihan. Ngunit ganda lang yata ang mayroon siya? Having that great surname with her makes her expected to...