"Will you have some friends to come over? Para dagdagan ko ang paggawa" Tita Sarah said while strolling around the cream aisle.
She will cook her favorite pasta for meryenda, Chicken Alfredo. Iyon daw ang madalas niyang niluluto kapag naiinip siya. I've tasted it before and it was truly good.
"I'll text my friends, Tita. They wanted to see you too" sabi ko na ikinatango niya at kumuha ng ilang box ng cream.
"Your dad loves Chicken Alfredo too. Noong nag-aaral kami, ganito lagi ang pinapamiryenda niya kapag nagrereview kami" si Tita.
Napangiti ako. I can imagine them both studying together in their home. Tumigil si Tita sa pag-aaral noong third year college siya. Si Daddy ay highschool pa lang noon. Si daddy ang nagpatuloy sa pag-aaral at nang magcollege siya ay sumabay na ulit si Tita. Tita's reason was to confidential and she never mentioned it to us. Si Daddy lang ang nagsabi ng kaunti tungkol sa kanila dati na nagkaroon ng trahedya ang pamilya.
"How about your friends, Tita?" Sabi ko.
"Oh, Paige. I had friends but they turned their backs on me. But, that was long ago so..." she said casually.
"I'm sorry about that..." mahina kong sabi. She laughed elegantly.
"That's nothing. Matagal naman na 'yon..." Aniya at lumipat na rin kami sa ibang aisle para sa mga tinapay.
"Butter cookies? Paboritong bigay sa mga naoospital" sabi ko at natawa kami ni tita.
"This brings back so much memories..." bulong ni Tita at kumuha ng dalawa noon.
Nagtungo kami sa chicken sections at dalawang kilo ng chicken breast ang binili niya. Umismid si Tita nang makitang nataranta at nakatitig sa kaniya ang tagakuha ng manok.
"O-one ninety n-na lang po, Ma'am!" Anito at binigay kay Tita ang plastic. Tinanggap 'yon ni Tita nilagay sa basket. Nang makalayo kami ay binulungan ko si tita.
"Your effect on men, Tita. So loud" sabi ko at humagikgik. She rolled her eyes.
"They're so obvious. Kung makatitig ay akala mo ngayon lang nakakita ng tao" aniya.
"Ngayon lang siguro tita nakakita ng kasing ganda mo"
"Ah Yes, don't worry. That will be their first and last time." Aniya at ngumisi. Pumila na kami sa cashier. At gaya ng iba, nabali ang mga ulo ng tao roon para lang makita siya.
I heard tita's iritatted sigh.
"So innocent and dumb" bulong niya.
"Ma'am, free po dito!" Tawag ng kabilang cashier.
Lumipat naman kami ni Tita sa kabilang cashier na ikinalawak agad ng ngisi ng mg naroon. Kahit ang bag man ay hindi matanggal ang tingin kay tita.
"May membership card--"
"Wala" sagot agad ni Tita. Ngumiti lang ang lalaki at may tinipa doon.
"Total of 2,140, Ma'am" anito. Magbigay si tita ng three thousand bill. Nang matapos doon ay irita si Tita sa mga taong nakakasalubong namin.
"Ang iniisip siguro nila ay artista ka, Tita" sabi ko nang makapasok sa shotgun seat. Siya ang sa driver seat.
"This is why I don't like going out here. People look so stupid" aniya. I chuckled and took out my phone.
We took a selfie and posted in on my IG story.
Did some groceries with my gorgeous tita
Nanguna sa notification si Nate. He's so obvious. Naka-on siguro ang notification ko sa kaniya!
BINABASA MO ANG
Taking over the Storm (AS#3) [completed]
RomanceApril 16, 2021 - July 14, 2021 Can Vivian Paige Riguella seduce again? Ano pa nga ba ang masasabi sa isang Riguella? Talino, ganda, at kapangyarihan. Ngunit ganda lang yata ang mayroon siya? Having that great surname with her makes her expected to...