Patungo kami sa venue ng paggaganapan ng birthday ni Tita Jane. Sa isang luxurious hotel ito gaganapin at paniguradong maraming tao lalo na't kilala ang pamilya nila.
"Will their girls come?" Si Adi. Nang papalapit na kami ay tinignan ko ang sarili sa salamin.
I am wearing a Self-Portraint Check Sequin Midi Dress. I let my hair down with a few curls on it. I literally spend time giving myself the best look because this is Tita Jane's birthday. I wanted to give her a good impression.
For my gift for her, a Saint Laurent Le Maillon in Smooth Leather bag. I even made sure the wrapping was perfect. Hindi nakasabay sa amin si Tita Sarah may dadaanan daw siya sandali. She said it's a gift for Tita Jane.
"Probably. Si Euna ay hindi dahil nasa ospital ang kaibigan niya, 'diba? sagot ko sa kapatid.
Pagkarating doon ay bumungad sa amin ang engrandeng harapan. The event hall was all beige and black color. Sa mga palamuti nito, sa mga upuan at mesa. Even the three chandeliers are shining brightly. Unang tingin mo pa lang, alam mo nang mayayaman at kilalang tao ang mga imbitado.
Namataan ko agad si Nate na papalapit sa akin. He's wearing a tuxedo and his hair was brushed up. Literally my favorite look of him. He looks dashingly handsome!
Nahiwalay naman kami kila mommy lalo na't nakikipag-usap na sila sa mga kakilala. Agad na bumagsak ang kamay ni Nate sa aking baywang at hinalikan ako nang magsama kami.
"You're damn pretty, Paige" aniya na ikinangisi ko lang at sumama sa kaniya patungo sa ibang mga pinsan.
Umupo ako sa tabi ni Alliana at sumunod naman sa akin ang kapatid. Sinulyapan ko si Larry na tumayo at pinalitan ang pwesto ni Lomi kung saan nakatabi kay Adi.
"Ang saya sa beach, grabe. Baka mainggit ang iba dyan ah?" Si Shan na mapang-asar ng tingin ang binibigay sa amin.
Mayabang kong tinignan ang pinsan. "Kapag may naglampungan mamaya, walang maiinggit ha" I backfired.
Biglang napalingon si Annie sa akin na nasa tabi niya. "Naglampungan?"
Samut-saring mga salita ang natanggap ko sa magpipinsan lalo na kay Kuya Gab. Napairap lang ako at hindi sila pinansin.
"Regalo mo?" Turo ni Alliana sa nasa kandungan ko.
"Yeah. Yours?"
"Earrings lang" kibit balikat niya.
Ilalagay pala sa harap ang mga regalo kaya dinala namin ni Alliana ang regalo doon. Ang dami ng mga regalo doon at karamihan ay mga paper ba na galing sa mga mamahaling brands pa. Ipinagsama lang namin ni Alliana ang amin. Aksidente namang nalaglag ang isang regalo doon at akma kong pupulutin nang may naunang dumampot no'n.
"Thanks" sabi ko at kinuha ang nalaglag. Ilalagay ko na sana sa mesa nang hindi niya iyon bitawan. I felt Alliana behind me.
Dumausdos pa ang kamay niya sa kamay ko kaya nag-angat na ako ng tingin. Isang hindi pamilyar na lalaki ang nakangisi sa akin ngayon at mayabang na nakatingin sa akin.
"So clumsy, girl..." aniya at umangat ang kamay patungo lalo sa kamay ko. Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay. Napalingon ako sa biglang humawak sa kamay ko sa likod at hinatak ako palapit sa kaniya.
"Fuck off, Man" malamig na sabi ni Nate sa lalaki at inalis kami doon.
Sa amin nakatingin ang magpipinsan nang makita kami. Walang nagsalita sa kanila nang makita ang itsura ni Nate. Lumunok lang ako at hinayaan ang kamay niyang nasa akin. Calm down, heart.
Natuloy naman sila sa kung anong pinag-uusapan hanggang sa magsalita na ang mc sa harap. Nagpalakpakan ang tao nang dumating na si Tita Jane wearing a very elegant gown with Tito Roger by her side. They are both smiling to the people.
BINABASA MO ANG
Taking over the Storm (AS#3) [completed]
RomanceApril 16, 2021 - July 14, 2021 Can Vivian Paige Riguella seduce again? Ano pa nga ba ang masasabi sa isang Riguella? Talino, ganda, at kapangyarihan. Ngunit ganda lang yata ang mayroon siya? Having that great surname with her makes her expected to...