"Papatirin ko talaga iyang babaeng 'yan sa performance!" Inis na turan ni Adi.
Nagkasagutan na naman sila kanina ni Cheena at mukhang pinapalabas talaga siyang masama. It's already the third time this week at ilang araw na lang ay performance na namin. At mukhang hindi pa naaayos ang part nila dahil kay Cheena.
"Kapag hindi ka pa tinantanan niyang babaeng 'yan, ako makakaharap niyan" kalmado kong sabi ngunit gusto ko nang manabunot. Naiinis na rin ako eh, napapansin ko rin na gustong gustong dinidiin nitong si Cheena si Adi.
Iniritang sinamaan ni Adi ang gawi nila Cheena. "Bida bida"
Napabuntong hininga naman ako at hinatak na siya pabalik sa grupo nila dahil magsisimula ulit silang magpractice. Tumigil muna kami nila Peter magpractice at pinanood muna sila. Everything were just good and smooth until Adi and Cheena collided again. Napakunot ang noo ko dahil maayos naman ang galaw ng kapatid ko at si Cheena talaga ang nagkamali.
"Ako ang papasok kaya ikaw dapat ang mag-adjust, Adi!" Napatigil sila sa pagsasayaw ulit. Napaamba na ako ng lakad dahil sa inasta nitong si Cheena. Ang kapatid ko ay mukhang sasabog na rin sa galit at pinipigilan lang. Nanatiling seryoso ang mukha niya.
"Ang tanga mo, Cheena. Wala ka sa timing. Tanga" anang kapatid ko na ikinainis na nitong si Cheena at tinulak siya.
Doon ako sumabog at akmang lalapit ngunit nauna na si Nate na malapit sa kanila. Inalalayan niya ang kapatid kong tumayo at mukhang tinatanong kung maayos ba ito. Hindi siya pinansin ni Adi at masama na ang tingin kay Cheena.
"Girls! Stop it! Hindi na kayo umayos!" Dumagundong ang boses ng kanilang leader. Pinabalik na kami sa ayos ng aming leader pero lumapit muna ako sa kapatid. Her eyes were already bloodshot.
Nilingon ako ni Nate na lumapit agad sa akin. Hinawakan ko ang braso ni Adi at pinakalma ito.
"Huwag mong bigyang pansin, ako ang bahala" sabi ko at dinala na siya sa bleachers. Tumabi si Nate sa kaniya habang nakatayo ako sa harap.
"Huwag mong palalapitin dyan ang impaktang iyon, Clane Nathan. Mag-uusap tayo mamaya" sabi ko na ikinatango lang niya bago ako bumalik sa amin.
Alas sais nang matapos kami dahil fina-nalize na ang performance namin as a whole. Pare-parehong pagod, sa bahay kami dumeretso. Nasa gate na namin ang aming sundo kaya naman doon kami dumeretso bago magpaalam kay Nate.
"Daan pong Café" ani Adi pagkapasok. Papasok na rin ako nang hawakan ni Nate ang kamay ko. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.
"Samahan mo muna ako, hahatid na lang kita"
Nilingon ko ang kapatid na nakatingin na sa amin. Napunta sa akin ang tingin niya at tumango, nagbibigay permiso na sumama na ako. Bumaba ako sa pagkakahakbang at naunang maglakad patungo sa sasakyan ni Nate.
Namataan ko pa mga tatlong sasakyan mula sa kaniya sina Cheena at ang mga kaibigan nitong impakta rin. Hindi nila kami nakitang papalapit dahil mga nakatalikod ito.
"Kapag nainis sa kaniya si Gian ay tatanggalin nila siya sa part na 'yon" Cheena proudly said.
Akma akong lalapit nang pigilan ako ni Nate. Sinamaan ko siya nang tingin habang siya ay kalmado at tila ba'y sinasabing huwag ko nang patulan.
"Deserved. That's what she gets from stealing Larry from you" anang isang babae na ikinatawa nila. Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na pangalan.
"Kapag hindi siya tinanggal, ipapahiya ko siya sa performance."
Lalong nag-apoy ang inis na inipon ko kanina nang kasama ang kapatid. At itong impaktang 'to talaga ay sinasagad ako.
BINABASA MO ANG
Taking over the Storm (AS#3) [completed]
RomanceApril 16, 2021 - July 14, 2021 Can Vivian Paige Riguella seduce again? Ano pa nga ba ang masasabi sa isang Riguella? Talino, ganda, at kapangyarihan. Ngunit ganda lang yata ang mayroon siya? Having that great surname with her makes her expected to...