Napakurap-kurap ako at napayakap sa katawan baywang.
Aba, Clane Nathan! Hindi porket nakita mo na ang katawan ko at komportable ako sa'yo ay maghuhubad na ako basta basta sa harap mo!
"Lumabas ka na nang makapagbihis na ako" mataman kong sabi at nag-iwas ng tingin. Kinuha ko ang mga damit na nakasabit doon. Kumunot ang noo ko nang hindi pa siya umaalis doon.
"Ano? Gustong gusto makita katawan ko?" Inis kong sabi na ikinaismid lang niya at umalis doon. Nakahinga naman ako nang maluwag pagkalabas niya at nagbihis na. Para akong masusuffocate kanina roon.
Binayaran na namin iyon sa cashier at siya pa ang nagdala ng paper bag noon. Nagpasya kaming sa yellow cab kumain—pizza again and buffalo wings.
"Clane Nathan, mamaya na!" Hatak ko kay Nate nang magtungo ito sa isang shop ng mga candy. Kanina pa siya nagpupumilit doon at naiinis na ako!
Mukha tuloy akong nanay sa kakulitan niya. Nakakastress!
"Makakalimutan mo lang 'yon" nakanguso niyang sabi. Hinatak na siya sa kakainan. Lalong kumunot ang noo ko nang makitang nasa counter ang aking kapatid at si... Larry?
They're dating? Kaya pala ayaw sumama sa akin! Kasi may kadate!
Unang lumapit sina Nate sa kanila kaya sila napabaling sa amin. Nakataas na ang kilay ko at pinaningkitan ang kapatid na inosente lang na tumingin sa akin at ngumuso. Nilapitan ko siya at bahagyang hinatak ang buhok.
"Malandi ka may ka-date ka lang pala" sabi ko. She groaned then chuckled afterwards.
"Bakit nandito kayo? Kaya nga dito kami kasi akala namin nando'n kayo" aniya.
Pinaningkitan ko ang kapatid na ngumiti lang sa ako. Sumabay na rin kami ng order sa kanila at sa four seater table kami umupo. Nang makaupo ang kapatid ay agad akong umupo sa tabi niya. Tinaasan ko lang ng kilay si Larry na pabirong suminangot sa akin.
"Sa Wednesday ang performance niyo, 'diba?" Si Larry na ikinatango namin. Sumulyap pa siya kay Adi at doon pa lang ay alam ko na ang usapan nila.
"Paasahin mo kung hindi ay hindi mo makikita ang kapatid ko!" Pagbabanta ko sa kaniya nang pag-usapan ang inutos ni Adi sa kaniya.
"Mga babae talaga, ang daming kaartihan noh?" Si Nate na ngumisi pa sa akin.
Agad naman na sumang-ayon ang pinsan sa kaniya. "Kapag tayo ay tayo lang ang gumagawa..." anito at nakipag-apir pa sa kaniya.
"Pero syempre, susunod pa rin sa utos..." Pahabol na bulong ni Larry at lumingon sa kapatid ko.
Napangiwi ako kay Larry at sinulyapan ang kapatid na tahimik na nakamasid sa amin. Adi is scary. Kapag hindi nasusunod ang gusto niya, sarili niya ang sisirain niya para maging guilty ang taong ayaw sumunod sa gusto niya.
Dumating naman ang pagkain at doon na natuon ang atensyon namin. Napuno lang ng malakas na tawanan ng dalawang lalaki ang table namin. Ako naman ay gusto nang magtago sa ilalim ng mesa sa kahihiyan sa kanils. Para silang mga ignorante sa mozzarella cheese na nags-stretch!
"Kumain ka pa!" Agad kong nilayo ang sarili nang maglahad ng isang slice ng pizza si Nate sa akin.
"I'm on diet" sabi ko na ikinataas ng dalawa niyang kilay at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Nakapatong ang aking kamay sa mesa at nakahilig ako paharap doon.
"Diet diet, tigil tigilan mo iyan" aniya at pilit na binigay sa akin ang pizza. Umirap lang ako at kumagat nang maliit doon. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Kapag hindi mo iyan inubos, hindi kita uuwi, sige ka" pagbabanta niya na ikinalukot lang ng mukha ko. As if matatakot ako noh?
Umiling ako at bumaling sa kapatid na busy sa pakikinig sa kung anong kinukwento ni Larry.
BINABASA MO ANG
Taking over the Storm (AS#3) [completed]
RomanceApril 16, 2021 - July 14, 2021 Can Vivian Paige Riguella seduce again? Ano pa nga ba ang masasabi sa isang Riguella? Talino, ganda, at kapangyarihan. Ngunit ganda lang yata ang mayroon siya? Having that great surname with her makes her expected to...