Rise 24

14.5K 1K 327
                                    

Rise 24
Warrior Princess


I'm a coward for hiding this feeling, I regretted everything. Now my heart is bleeding. In your memories I'm drowning.”
- TasteofHeaven, by P. Cordelia

Nakangiti ang haring araw sa kalangitan.

Nakikipaghabulan ang mga ulap sa hangin.

Maingay ang mga kalye dahil sa trapiko at sa mga munting tindahan sa tabi ng daan.

May mga batang naghahabulan sa plaza, nababalot ng masaya nilang tawanan ang lugar.

Makikita ang mga magkasintahan na magkahawak kamay na naglalakad, bakas ang saya sa kanilang mga mata.

Mayroong mabangong halimuyak sa hangin na nagmumula sa mga restaurant, business is good.

It was an ordinary day for everyone.

Or so they thought.

Isang anino ang bigla na lamang bumalot sa kabuuan ng bayan ng Xyrus.

Ang kaninang maingay na tawanan ay napalitan ng sigawan.

Nagtakbuhan ang mga tao, pero kung saan sila pupunta, hindi rin sila sigurado.

May mga batang umiiyak habang tinatawag at hinahanap ang kanilang magulang sa magulong lugar.

Maririnig ang tunog ng malaking kampana na naghuhudyat sa buong bayan sa nagbabadyang panganib.

Ilang indibibwal ang lumitaw, suot ang kulay puting uniporme.

“Mga Spititists mula sa Order of the White Knights!” sigaw ng isang street vendor

Ang Order of the White Knights ang nagpapatupad ng kaayusan sa buong Xyrus. Mga tanyag silang alumnus ng Xyrus Academia na naglilingkod ngayon sa bayan ng Xyrus.

“Wala na tayong dapat pang ipangamba.” Agad nakahinga ng maluwag ang mga tao

Sa pagdating ng Order of the White Knights, nagkaroon ng kaayusan. Disiplinadong sumunod sa evacuation procedure ang mga tao, subalit bakas pa din ang takot sa kanilang mga mata. Samantala,  dalawampung Spiritists mula sa Order of the White Knights ang tumawag sa kanilang contracted Spirits.

Matapang nilang hinarap ang paparating na panganib.

Isang dambuhalang dragon.

“The enemy is estimated to be at the pinnacle of Mortal Realm.” Saad ng leader ng Team 7. Isa syang Level 6 Mortal Realm Spiritist. Bukod sa kanya, mayroon pang dalawang Level 4 at isang Level 3 Mortal Realm Spiritists sa kanilang grupo. And the rest are Level 10 Star Realm Spiritists.

Ang Team 7 ang kinikilalang most elite team sa buong Order of the White Knights dahil sa bilang ng mga Mortal Realm experts sa kanilang grupo.

Majority ng mga nakakapagtapos na Spiritists sa Xyrus ay mga Level 10 Star Realm Spiritists  o di kaya naman ay mga Level 1-3 Mortal Realm Spiritists.

Reaching  Level 5 or above of the Mortal Realm is already a feat worth the praise of the three kingdoms.

Aren’t the Arbiters of Solas the living proof of this fact?

Ang bilang ng mga nakakaabot sa Level 6 and above ay mababa lamang kaya naman itinuturing sila bilang mga pinakamalalakas sa buong kontinente.

Bukod sa Team 7, narito rin ang Team 1 at Team 2 na binubuo ng iba pang mga Spiritists na nagtapos din mula sa Xyrus Academia. Narito rin ang Team 3 at Team 4 na binubuo ng mga Slayers. At ang Team 5 na binubuo naman ng mga Emitters. Habang ang Team 6 at Team 8 naman ay ipinadala sa ibat-ibang lugar upang palikasin ang mga taong bayan. Ang Team 9 naman ay kasalukuyang nasa Xyrus Academia upang protektahan ang mga mag-aaral. Tanging ang Team 10 ang naiwan sa base upang bantayan ito mula sa ibang mga panganib.

Rise of Dawnحيث تعيش القصص. اكتشف الآن