Rise 2

28.8K 1.3K 483
                                    

Rise 2
Princess of Solas


Solstice, the God of Light. The guardian deity of life.”
- Journal of Pope Vernal, Founder of the Three Divine Church

Napakabagal ng oras.

O di kaya ay sadyang napakaboring lamang ma-trap sa katawan ng isang sanggol.

“Mabuti na lamang at nagkamalay ang prinsesa. Akala ko talaga—”
“Shhhh.. Ang mahalaga ay ligtas sya.”
“Salamat sa mga diyos ng Solas.”

Ilang araw ko na naririnig ang mga personal maids ko na pinag-uusapan ako.

Oo may mga personal maid ako.

Isa akong prinsesa, wag kayo magulo.

Dahil tsismosa ang mga personal maids ko, madami akong nakalap na tsismis mula sa kanila.

Dinapuan ng mataas na lagnat ang prinsesa. She’s just a few months old. She died.

I wouldn’t be in this body if she’s still alive.

This body belongs to Leona Alanis la Solstice von Alhalt  Romulus. The sole princess of the kingdom. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ako ng Earth. Iilan na lamang mga bansa ang mayroong monarkiya. Muka akong nasa England. Subalit wala naman akong nabalitaang bagong silang na royalty. Isa pa, hindi pamilyar ang royalty name ko. At first time ko lang din narinig ang Land of Solas. Nasa Earth pa rin ba ako?

Matapos mareincarnate with my memories intact, parang hindi na ko magugulat kung nasa ibang mundo ako.

Iwinasiwas ko sa hangin ang hawak kong laruan. Isa itong bola na coated sa ginto. Masaya ko itong niyakap. Mayaman na ko huhuhuhu.

“The princess is so adorable.”
“It’s just sad that the King doesn’t want to see her.”
“The queen died giving birth to her.”
“But it’s not the princess’ fault. It’s so sad.”

Isa pa yan. Mukang itinakwil na ko ng tatay ko. Namatay nanay ko sa panganganak sakin.

“Princess, let me put you to bed.” Saad ni Amber, ang head ng mga personal maids ko.

Nabalot na ng dilim ang silid.

Sa tuwing nangyayari ito, may naririnig akong tunog.

Meow

Nandito na nanaman yung pusa.

Lumalabas sya sa tuwing wala yung mga personal maids ko.

Meow

Isang itim na pusa ang lumitaw sa crib ko.

Meow

“You’re here again.” Sa isip ko

“Of course, Master.”

Bigla akong natigilan.

“F*ck.” Sa isip ko

“F*ck?”

“Sino ka?!” panic kong tanong sa isip ko.. Bakit may naririnig akong tinig sa isipan ko? Nababaliw na ba ko? Or isang halimaw itong pusa? Kakainin nya ba ko

“Naririnig mo na ko, Master?”

“S-sino ka?” sa isip ko

“I’m your Summoned Spirit, Master.”

Meow

“Summoned Spirit?” nagtataka kong tanong sa isipan ko

“Yes Master, I’m the Spirit of Darkness, Nisha.” Meow

Rise of DawnWhere stories live. Discover now