31. Katok

10 7 3
                                    

I was alone with my kids

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I was alone with my kids. 6pm-ish na 'yon at naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin habang nanood ng YouTube videos ang mga bata sa kwarto.

Malapit lang naman sa kwarto namin ang sink na pinaghugasan ko kaya makikita ko agad ang mga bata kapag lumingon ako.

Then, I heard something. May kumatok sa door namin. I didn't mind it at first kasi di naman uso katok2 sa amin eh. Kapag may dumating, natawag lang.

Akala ko nga guni-guni ko lang yun pero kasi tumakbo palabas ng kwarto ang panganay ko. Tapos sumilip siya sa bintana. Saka sabi pa niya, "di sa atin 'yon, ma. Baka sa kabila."

So, wala lang. Patuloy lang ako. Tapos may kumatok uli. Takbo na naman siya tapos sinilip niya uli. Nag-wonder na siya kasi bakit sa pintuan daw namin talaga kumatok pero walang tao.

So I told him to stay in the room at bantayan na lamang ang kapatid niya. Pero sa loob ko, natakot na ako talaga. Kaya tinawagan ko na husband ko pero di pa ako nagsabi na may ganoong event na pala.

Katatapos ko lang maghugas nang dumating husband ko, hindi ko sana sasabihin kaya lang naunahan ako ng anak ko. So, sinabi niya ang pangyayari sa papa niya.

"Si lolo mo yun. Remember, death anniversary niya bukas?"

Napaisip naman ako. Oo nga pala, ika-7th death anniversary niya bukas.

#022721

Glimpse of the Unknown (True Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon