13. Kaba at Letra: J

72 14 7
                                    

This happened when I was fourth year college

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This happened when I was fourth year college.

2011

I, together with my sibs, J and D, is invited to eat the hauz of da celebrant is da happy birthday, dejk. Ayun nga we're invited by a neighbor celebrating her birthday, who happens to be sib D's kinakapatid.

We are on our way to their house when I felt this weird feelings again.

Grabe na naman ang kaba ko para akong nag ha-hyperventilate, laklak pa ng kape bes! Pero hindi naman ako mahilig sa kape.

Ayun para na naman akong nahihilo na ewan tapos letter Js keep on flashing.

Akala ko may nangyaring masama kay boyfriend kasi J din yun eh, I was not thinking about sib J kasi nga magkasama lang naman kami and he looked good & okay.

So nagmamadali akong pumunta sa kanila (hindi na ako kumain sa birthday mga bis haha) dahil prior to that moment, nakatanggap ako ng message sa kanya na malapit na siyang makarating, galing siyang somewhere down the road so akala ko naaksidente ganoon kasi iba talaga kutob ko.

Grabe pa iyak ko noon, tapos noong nakaabot ako sa kanila nandoon na siya and he looked okay. So ako medyo nahimasmasan pero naroon pa rin ang kaba.

Pinatambay nalang niya ako doon kasama ang dalawang pinsan niya tapos kinausap nila ako ng kinausap hanggang sa nakatanggap ako ng text kay mama.

"Wer u at? We here hospital. Jo is admitted. Allergy."

Ganyan talaga si mama magtext dati. Kala mo telegrama. Huhu. Pero hindi ang malatelegramang text ang nakakagulat doon.

But the thought of my very own sib, J. Grabe tuloy iyak ko sa araw na yun. Para akong bida sa pelikula. Drama pa! Hahaha charot.

Iba kasi siya mag-allergy. Iyong heart ang nadelikado. Hindi ko maexplain ng bongga pero gay-on na nga. Ang mukha niya parang mamaga tapos hindi siya makahinga ng maayos. Iba kasi sa akin, nangagati lang naman ako kaya pinapainom lang ng antihistamine.

Sa kanya, jusq! Kada ma-allergy hospital agad huhu.

Dahil pala sa spaghetti na nakain niya. May halo kasing hipon tapos hindi niya namalayan agad. But he's fine after that.

As of the moment, he is teaching in the infamous university in Iligan. He got his Master's Degree at 23. Proud ate, here!

SANA ALL. HAHAHA. Naunahan pa ako.

Glimpse of the Unknown (True Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon