27. Footsteps

28 11 2
                                    

Nangyari ito around February of 2014

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nangyari ito around February of 2014.

I was 8-month pregnant with my first born, sobrang masakit ang ulo ko saka kapag nagsusuka ako parang mabibiyak ang ulo ko talaga sa sobrang sakit. Nag-bu-blurry din ang paningin ko na naging maitim at maputi.

Sinabi na sa akin ng OB GYNE ko na kailangan akong i-cesarean section (Cesarean section, C-section, or Cesarean birth is the surgical delivery of a baby through a cut (incision) made in the mother's abdomen and uterus. The incision made in the skin may be: Up-and-down (vertical). This incision extends from the belly button to the pubic hairline), dahil sobrang taas na ng blood pressure (150/130; hypertension stage 2) ko at baka magkaroon ng complications sa akin at sa baby.

February 15 ako na admit noon. And the next day ko pa nalaman na ganoon na ang estado ko. So kailangan sa 17, mailabas na ang bata.

On our first night, kasi sa ward lang ako nagpalagay (ayaw ko talaga sa private, ewan ko.) tapos may isang kapapanganak pa lang. Malaman-laman ko nalang na papauwi na sila, so ako nalang ang pasyenteng natira. Kasama ko rin husband ko that time.

Sa gabi, naulingan ko na may nag-open ng door. Akala ko, nurse lang na mag-chi-check ng BP ko. Tapos narinig ko talaga na may naglalakad patungo sa cr ng ward, so akala ko naman ay janitor siguro tapos nagmulat ako. Walang tao, kami lang ng husband ko na kasalukuyang natutulog.

Glimpse of the Unknown (True Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon