7. Kaba at Letra: E

77 16 5
                                    

Just want to clear this, hindi naman po siya nangyayari sa akin ang mga ganito kung gusto ko lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Just want to clear this, hindi naman po siya nangyayari sa akin ang mga ganito kung gusto ko lang.

Kusa lang talaga. Walang warning. Biglaan. Hindi ko mapaghandaan.

So aside from dreaming, may ganito rin ako minsan na kinakabahan ako ng todo akala ko nga dahil weak yung heart (according to my doctor) ko kaya ganito lang pero iba ang kabang ito dahil may halong letra.

Una kong nalaman na may ganitong pakiramdam ako noong naghihingalo si lola E ko, mother po ni papa.

Foundation Week (Intramurals) namin noon  4th yr HS ako this time at dahil mabait akong estudyante, wala akong sinalihan. Punta lang sa iskul, bahala ka jan Majo! You do note! Attendance lang habol ko tapos after that tamang date2 kay boyfriend that time, hahahahaha! Now, ex- boyfriend.

Tapos biglang kumabog yung dibdib ko as in tapos para akong matutumba na ewan. Sobrang nanginginig ang kalamnan ko at para akong nag-ice-bucket-challenge dahil sobra akong nanlamig talaga.

May mga sparkles at circles din akong nakikita na lumilipad-lipad kasama ang letrang E.

At dahil sa panahong ito, uso na ang chat pero sa yahoo pa. At wala pang unli text at calls pa'no ba kakasimula pa lang ng pagboom ng mga ganyan dati eh.

Tinext ako ni ate (isa sa mga pinsan ko sa side ni papa) na nananaginip raw siya na nalagas lahat ng ngipin niya.

Tbh, hindi ko alam ibig sabihin ng ganyan that very moment so wala lang. Mas inuuna ko pa nararamdaman ko sa kanya, may mas naauna pa pala sa akin, charot.

I texted my mom: MA, AM SO NERVOUS RIGHT NOW, ALSO KEEP SEEING LETTER E.

Wag kayong ano. Ingles talaga text ko dati. Di rin ako masyado maalam sa bisaya dahil ung ate ko na nagbabantay sa amin, English-speaking kaya ayun.

Mama replied, "I dreamt of lice last night."

Wala nga akong maintindihan this very moment sa mga text nila ni ate A so kibit-balikat lang ako. Uminom lang ako ng tubig. Thankfully, nahimasmasan naman.

Kinagabihan, kasi hanggang gabi ang event sa iskul, pero nandoon ako ha? Nakikicheer na ako sa pagaent, ayiii.

Naabutan ko si papa, umiiyak. Wala na raw si lola E. Di na raw nakayanan yung sakit niya.

I am shocked. Dahil nangyari yung kinakabahan ako at may nakikita akong letter E, yun din ang time daw na nag-aagaw buhay si lola.

Rest in peace, lola E. You are always loved.

Pero that night, hindi ko pa alam na may connection yun. Kasi nickname lang alam ko kay lola eh. Lola L. Tapos iyong name niya talaga started with E. Nalaman ko lang noong sinabi na ni mama sa akin.

Glimpse of the Unknown (True Horror)Where stories live. Discover now