30. Scent

25 9 4
                                    

Note: Sorry kung hindi ko na ito napag-sunod-sunod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Sorry kung hindi ko na ito napag-sunod-sunod. Isinulat ko nalang kasi kung ano ang naalala ko.

× × ×

Nangyari ito noong pangalawang araw ng lamay ni papa. Hindi kasi sa bahay inilagak ang katawan niya kaya kampante ako na kami lang dalawa ng anak ko, iyong panganay, who happens to be just 12-day-old that time.

May work si husband kaya kami lang talaga ni baby, sina mama naman andoon sa gym kung saan ang katawan ni papa. Medyo marami rin kasi ang kakilala kaibigan at ni papa kaya marami-rami rin ang pumunta.

Natulog ako katabi ang anak ko. Alam niyo ba iyong pamahiin na dapat nilalagyan ng kahit na anong pula ang bata para hindi ito lalapitan ng souls and the such?

That moment kasi, hindi pa namin nabilhan. Tapos ayon nga, natulog kami tapos nagising ako bigla dahil may amoy talaga na tila ba malapit sa amin.

So I smell myself, baka 'kako nakalimutan ko lang, ako pala ang nag-perfume.

Then I smell my son, wala rin. Pero nandoon ang amoy. So binuhat ko si baby pero napansin ko na para bang sumusunod ang amoy sa aming dalawa.

Hindi naman ako natakot that time, pero para safe, ginunting ko iyong pulang tela ni mama (sorry madear!) saka ko nilagyan si baby sa kamay.

Tapos biglang nawala.

Kinahapunan, pagbalik ni mama sa bahay, nagbihis siya saka naglagay ng perfume. Na-intriga ako kasi iyon ang amoy na naaamoy ko kanina.

So I asked her, "nag-iba ka na pala ng perfume, ma?" Kasi iba talaga ang hilig ni mama.

"Nakikigamit lang ako, 'day. Kay papa mo 'to."

Glimpse of the Unknown (True Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon