Hearts And Kisses

2.2K 81 7
                                    

Clar Juliet's POV

Title palang ng chapter na ito eh alam kong alam niyo na kung ano ngayon! Valentines Day!

Oo na! Ako na ang naiinggit! Ehhh! Hayy! Si Farrah naman kase! May ferrari! Ay este Ferrero! Ehh ako?? Ako tong may boyfriend pero ako tong walang natanggap! Hay! Ewan ko ba! 

"Hoy! Okay kalang ba? Parang nasa ibang mundo kana ah!" sabi ni Rein

"Huh? Ahh...hehe..sorry2x"

"Lalim ata ng iniisip mo ah!"

"Ahh..hehe...wag mo nalang intindihin"

"Oh well..Ahmm..paki-abot naman nun please. Yung cylinder na may red liquid"

Kinuha ko naman ito at inabot kay Reina. Kung nagtatanong kayo kung nasan kami at at kung bakit eh nandito lang naman kami sa laboratory at tinatapos ang experiment ni Reina. Yung pampatalino kay Farrah! Saturday na saturday eh ang seryoso niya sa experiment na ito! Hahaha! Sana nga eh magtagumpay siya! 

"Ah..Reina, sa tingin ko lagyan mo pa yan ng 1 gram" sabi ko

"Hmm...Sige2x"

Tapos nilagyan niya nga. Hayy...pwede ko namang gamitin ang talino ko pero wag! Mahahalata niya ang extra ordinary brain cells ko! Hahaha!

Pagkatapos ay nag-break muna kami at pumunta sa gate kase mag-ddate daw kami! Ehhh kase nga..Puro mga single tong sina Reina,Farrah at Cheska! Di naman ako tumanggi kase wala namang sinabi si Ice na mag-ddate kami...Hayy...

Sa totoo lang..Upset ako kase Valentines tapos parang wala lang! Hayy! Ewan ba! Gusto ko lang naman ma-experience ang Valentines! Ngayon ko lang nga binalik ang 14 sa kalendaryo ko! Hahaha! Pero I need to be open minded. Baka busy lang siya or what diba?

"Tara na? Complete naba tayo?" sabi ni Cheska

"Uhuh!" sabi ni Farrah

Sumakay nanga kami ng taxi papuntang MOA! Hehe...At nag-shopping muna ng damit! Specifically, dresses and high inches sandals! 

"CJ! Eto! Bagay na bagay toh sayo!" sabi ni Cheska

Tapos inabot niya sa akin yung isang final stretch black dress.

"Ayan! Para magmukha kang hot at parang isang vampire!" sabi ni Cheska

Sabay kindat.

"Hindi! Eto ang bagay sakanya" sabi ni Reina

Sabay abot ng isang only one navy red lace maxi dress atsaka slit style siya.

"Ayan! Mas hot kapa sa araw niyan!" sabi ni Reina

"Ehh...eto nalang kaya!" sabi ni Farrah

Sabay abot ng isang ivory dress.

"Ang ganda mo tingnan dyan at hot Clar Juliet!" sabi ni Farrah

O_____o Ano bato? Sasali pa akong ng pageant???

"Teka2x nga lang! Para saan bato?" sabi ko

"WALA" sabay nilang sinabi

O____o Hmmm...Babasahin ko sana ang isip nila kaso sinamaan ako ng tingin ni Cheska at tila parang alam na niya ang balak kong gawin.

"O sige! Bibilhin ko lahat ng toh! Sabagay, maganda naman lahat ng taste niyo"

"YES!" sabay nilang sinabi

She's A Vampire (COMPLETED)Where stories live. Discover now